Tiniyak ng Department of Agriculture na makatatanggap ng pinansyal na tulong ang mga magsasaka sa Ilocos Norte na naapektuhan ng sama ng panahon. Bawa’t magsasaka ay maaaring makautang ng hanggang P25,000 sa ilalim ng Survival and Recovery Program ng kagawaran.