NPA political officer, patay sa engkwentro

Gigaquit, Surigao del Norte — Patay ang isang political officer ng New People’s Army (NPA) pagkatapos ng sagupaan sa mga kasundaluhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army sa bulubunduking bahagi ng Sitio Suoton, Brgy. Cagdianao, Claver, Surigao del Norte nitong Setyembre 2.

Siya ay kinilala ng kanyang dating kasamahan bilang si alyas ‘Asyong,’ ang vice platoon commander at political officer ng SYP Platun 16C1, Guerilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Committee (SYP16C1, GF16, NEMRC).

Naganap ang sagupaan matapos naging aktibo ang mga tauhan ng 30IB sa pagpapatrolya, simula noong ipinagkaloob ng 4th Infantry Division ang pangangalaga sa seguridad ng buong Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) Area ng tatlong malalaking kumpanya ng minahang TMC, THPAL, at PGMC sa bayan ng Claver mula noong Setyembre 1.

Sa pamamalagi ng mga kasundaluhan sa bundok, sila ay nakatanggap ng sumbong mula sa mga mamamayan hinggil sa presensiya ng armadong terorista at miyembro ng NPA, kung kaya agad ipinag-utos ni Lt. Col. Ryan Charles Callanta, pinuno ng 30IB, ang pagsasagawa ng security patrol upang tugisin ang mga  armado.

Habang nagsasagawa ng patrol ang mga tropa, kanilang nakasagupa ang mga armadong terorista na tinatayang nasa mahigit o kumulang na 10 katao at pinaniniwalaang kasapi ng SYP Platun 16C1, GF16, NEMRC na pinamumunuan ni Roel Neniel o alyas ‘Jacob.’ Ang nasabing bakbakan ay tumagal ng 15 minuto at nagresulta sa pagkasawi ni ‘Ka Asyong.’

Nakuha din sa pinangyarihan ang mga matataas na kalibre ng baril: dalawang AK-47 rifle, isang M14 rifle, isang bandolier, dalawang magazine ng AK-47, at pitong magazine ng M14 na may kasamang mga bala, at iba’t-ibang supply ng mga pagkain at gamot.

Taos-pusong nagpasalamat si Callanta sa kooperasyon ng mga mamayan sa pagbibigay ng agarang impormasyon tungkol sa mga gawain ng teroristang NPA.

Aniya, “Isa itong patunay o batayan sa patuloy na suporta ng mamamayan sa kampanya ng Ending Local Communist Armed Conflict o ELCAC. Nais naming ipaabot mula sa aming hanay ang aming pakikiramay sa pamilya ng nasawing NPA.

“Nawa’y ang pangyayaring ito ay magsilbing aral sa mga natitirang miyembro ng teroristang NPA na wala silang mapapalang maganda sa kilusan kundi gutom, pagod, at maaari pa nila itong ikasawi. Kung kaya patuloy naming hinihikayat ang lahat ng natitirang miyembro na sumuko na at tanggapin ang hatid na tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP bago pa mahuli ang lahat.”

“Asahan lang din po ng ating mamamayan sa buong probinsya ng Surigao del Norte na patuloy naming proprotektahan at aalagaan ang ating bayan, nang sa ganoon patuloy tayong umunlad at maging mapayapa,” dagdag ni Callanta.

Sa ngayon agad nang ibinaba ng mga tropa ng 30IB ang nasawing NPA at dinala sa GADES Funeral Service upang mabigyan ng maayos na libing, habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan nito upang maipaalam sa kanyang pamilya. (AFP) – jlo

 

Popular

PBBM finalizing E.O. on flood control probe body —Palace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is finalizing the executive order (EO) for the creation of an independent commission, which will be tasked...

DPWH chief orders dismissal of Bulacan engineers amid ‘ghost’ flood control projects

By Brian Campued Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon on Thursday ordered the summary dismissal from service of former Bulacan 1st...

Dizon vows ‘honest to goodness’ review of DPWH budget within 2 weeks

By Brian Campued Pursuant to President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive for a sweeping review of the Department of Public Works and Highways’ (DPWH) proposed...

BOC secures 12 of Discaya family’s luxury cars

By Brian Campued The Bureau of Customs (BOC) on Tuesday night secured 12 luxury vehicles reportedly owned by contractor couple Pacifico “Curlee” and Cezarah “Sarah”...