Naniniwala ang OCTA Research Group na prayoridad pa rin sa COVID-19 vaccination program ang National Capital Region (NCR) Plus Areas.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research, bibilis ang pagtapos sa problema ng COVID-19 pandemic sa bansa oras na makamit ang population protection sa NCR Plus.
Para naman sa mga probinsyang may mataas na kaso, maaari aniyang gamitin sa kanila ang ginawang pagresponde ng NCR sa biglang pagtaas ng mga kaso nito kamakailan.
“The way we deal with them is the way we dealt with the surge in the NCR, and that is really… We recognize that expanding testing, tracing, and isolation should be the whole year effort – it doesn’t stop,” ani Rye sa isang webicon ngayong araw.
Ibinahagi naman ni Fr. Nick Austriaco ng grupo na mas nahihirapan ang pagkalat ng virus habang tumataas ang bilang ng mga nababakunahan.
“There will be people or patients who will not be able to receive the vaccines for different health reasons, there will be young people for whom the vaccine would not be approved,” sabi ni Austriaco.
“In order to protect those unvaccinated people, countries target herd immunity,” dagdag niya.
Sinabi ng grupo na maaabot ang target containment sa NCR Plus 8 sa Oktubre kung aabot sa 250,000 ang babakunahan kada araw.
Para maabot ang herd immunity, 51.8 milyong doses o 25 milyong indibidwal ang dapat mababakunahan. Pwede itong makamit bago ang Pasko kung hanggang 300,000 kada araw na ang nailalabas mula Hunyo hanggang Nobyembre.
“I know that the national government is hesitant to talk about herd immunity, but as I have pointed out, if we aim for the stars, we may land on the moon, so we always target the highest threshold,” ani Austriaco.
Hinikayat naman ng grupo ang pamahalaan na magbigay ng insentibo sa iba’t-ibang sektor upang dumami ang mahikayat na magpabakuna. – Ulat ni Patrick de Jesus/AG-rir
Panoorin ang buong ulat: