Pabahay ng Yolanda victims agad ipamigay – Nograles

PR

“Gusto ko na sa tuwing may mga units na tapos na ay agad na itong mai-turn over sa mga pamilyang sinalanta ng bagyong Yolanda. Kapag may 20 o 30 housing units na pwedeng paglipatan yung mga beneficiaries ay ibigay na natin para mayroon na silang masilungan na bagong bahay na disaster-resilient.”

Ito ang naging pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa katatapos na 14th Meeting on the Inter-Agency Task Force on the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects in the Yolanda Corridor (IATF-Yolanda) na ginanap kanina sa Malacañang.

Target ng NHA na sa taong 2020 ay siyento porsyento (100%) nang tapos ang lahat ng housing units sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda. Sisiguruhin din ng pamahalaan na kumpleto ang mga pasilidad sa bawat pabahay gaya ng pailaw, malinis na tubig at livelihood projects gayundin ng mga pasilidad kagaya ng health center at multi-purpose hall para magamit ng mga titira dito.

Sa pinaka-huling tala ng gobyerno (as of July 31, 2019), sa kabuuang bilang na 205,128 housing units na itinatayo ng National Housing Authority (NHA) ay nasa 120,615 units o 59% na ang tapos at nasa 57,064 units o katumbas ng 47% ng mga ito ay nai-turn over na sa mga benepisyaryo.

“Gusto po natin na mapakinabangan na agad ito ng recipients para maiparamdam natin sa kanila ang tunay na malasakit ng pamahalaan, lalung-lalo na sa gitna ng pagsusungit ng panahon. Dahil kapag nakalipat na sila sa kanilang bagong bahay ay makakapamuhay na sila ng tahimik at malayo sa peligro,” ayon pa kay Nograles.

Matatandaan na sa kanyang pagbisita kamakailan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda, inatasan nya ang mga alkalde dito na muling buhayin ang kanilang local inter-agency committees (LIAC) upang maipamahagi ng maayos ang resettlement housing projects sa kani-kanilang nasasakupang lugar.

Sa ganitong paraan aniya ay masisiguro na ang makatatanggap ng pabahay ay mga lehitimong naapektuhan ng bagyo at nawalan ng tirahan. Ayon pa sa kalihim, ang LIAC ang may kapangyarihang gumawa ng listahan ng mga benepisyaryo, taga-monitor ng ginagawang pabahay, mangunguna sa aktwal na pamamahagi nito at tagapagpatupad ng mga panuntunan na nakapaloob sa naturang mga proyekto.

Kaugnay nito, nakatakdang bumisita si Sec. Nograles sa lalawigan ng Iloilo sa ika-19 ng Agosto upang makipagpulong sa lahat ng alkade dito upang himukin na muling buuin ang kanilang LIAC at talakayin ang mga programang nakalaan para sa mga naging biktima ng Yolanda sa naturang probinsya.

Popular

PBBM: 1% U.S. tariff cut ‘significant achievement’

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. called the reduction of the United States-proposed tariff on Philippine exports a “significant achievement” following negotiations with...

WALANG PASOK: Gov’t work, class suspensions for July 24 due to inclement weather

Classes at all levels and government work in the following areas have been suspended on Thursday, July 24, due to the impact of...

OCD, AFP discuss updates in response to calamities affecting the country

By Dean Aubrey Caratiquet In a virtual briefing held on Wednesday, Office of Civil Defense (OCD) Administrator Bernardo Alejandro IV and Armed Forces of the...

PAGASA now monitoring two cyclones inside PAR; habagat still drenches Luzon

By Brian Campued The low pressure area (LPA) west of extreme Northern Luzon developed into a tropical depression Wednesday morning and was given the name...