Pagbaba ng vaccine hesitancy, adbokasiya ng Philippine Medical Association

By Christine Fabro

Programang ‘Sa Bakuna Nagkaisa Campaign’ ng Philippine Medical Association (PMA), layuning makatulong sa kampanya ng pamahalaan sa pagbabakuna ng mga Pilipino upang masugpo ang pandemyang COVID-19.

Inilunsad ng PMA at Confederation of Professionals in Health Association (COPHA), kasama ang iba pang mga health care frontliners na kinabibilangan ng medical technologists, pharmacists, at radiologists, ang kampanyang ito upang maiwasan ang mahahabang pila sa mga vaccination site.

Sa isang panayam kay PMA President Dr. Benito Atienza sa Laging Handa public briefing nitong Sabado (Mayo 29), sinabi nito na magandang makita ng publiko ang pakikipagtulungan ng mga propesyonal sa larangan ng medisina upang maibsan din ang pag-aalinlangan ng mga kababayang Pilipino.

“Nagkaroon din kami dito ng panunumpa na tutulong kami hanggang sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng bakuna, pagbabakuna at pag-mo-monitor sa mga nabakunahan,” saad ni Atienza.

Kaugnay ng kasalukuyang vaccination program sa bansa, giit ni Atienza na marami pang kailangang ayusin sa sistema ng pagbabakuna.

Isa rin aniyang suliranin sa  ngayon ang kakulangan sa suplay ng bakuna sa ibang mga lugar, at ang ilang vaccination sites naman ay nakitaan aniya ng kakulangan sa mga nagbabakuna. 

Pinaalalahanan naman ni Atienza ang publiko na maiging mag-ingat pa rin kahit nabakunahan na, dahil may posibilidad pa rin na makakuha ng sakit na COVID-19, katulad ng mga kaso sa ibang bansa. –rir

Panoorin ang video report dito:

 

Popular

Malacañang urges caution on calls to expel Chinese envoy

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday acknowledged calls for action against Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan over his...

Malacañang: Armed group sheltering Sen. dela Rosa a threat to nat’l security

By Dean Aubrey Caratiquet After several months of manhunt operations, authorities said that they have already identified the whereabouts of Senator Ronald “Bato” dela Rosa,...

Malacañang presses probe into reported Atong Ang escape

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday called for an investigation into possible lapses in law enforcement after Interior Secretary Jonvic...

PBBM, Japan reaffirm bilateral ties, regional cooperation

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and Japanese Prime Minister Sanae Takaichi on Tuesday reaffirmed their commitment to...