Pagbabakuna laban sa ASF, sinimulan na ng BAI

Sinimulan na ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang pagbabakuna laban sa African Swine Fever (ASF).

Ayon sa BAI, inumpisahan ang trial ng ASF vaccine na galing sa Estado Unidos nitong Abril 23 sa sampung farm sa Luzon. Ang mga farm ay pinili mula sa mga gustong sumali sa trial, at base sa estado ng kanilang biosecurity.

Ang ASF vaccine trials ay gagawin at oobserbahan ng mga kawani at beterinaryo ng DA-BAI sa loob ng 84 na araw, alinsunod sa mga patakaran ng technical working group ng gobyerno at Zoetis Philippines, Inc.

Ang Zoetis ay ang pangunahing katuwang sa paggawa ng bagong bakuna laban sa ASF na pumipigil sa virus sa inisyal na trials sa ibang bansa. 

Nilinaw ni BAI Director Reildrin Morales na ang nasabing bakuna ay hindi pa rehistrado kaya kailangang gawin ang trial sa isang controlled area. 

Ayon naman kay DA Secretary William Dar, sila ay nakikipag-usap sa mga beterinaryo sa mga probinsya para sa vaccine trials. Sinabi rin niya na ang mga BAI veterinarians ay sumailalim na sa orientation at handa na sila para sa deployment.

Naniniwala si Dar na magiging matagumpay ang vaccine trials na pipigil sa pagkalat ng ASF, na siyang pumilay sa industriya ng baboy dito sa bansa. 

(PTV News) NGS-jlo

Popular

First Couple graces ‘Thrilla in Manila’ 2

By Brian Campued Underscoring the administration’s commitment to supporting sports development and inspiring the next generation of Filipino athletes, President Ferdinand R. Marcos Jr. and...

Corruption issues won’t affect PH chairship of ASEAN 2026 —PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday stressed that local political issues of any member state will not overshadow the regional and...

PH to raise South China Sea Code of Conduct as 2026 ASEAN chair —PBBM

By Brian Campued The Philippines is in the process of putting together the different elements where it believes the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)...

ASEAN, China sign free trade upgrade

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday joined fellow leaders at the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) for the signing of...