Pinangunahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City na may temang “Pagkilala sa Bayaning Pilipino: Matapang, Magiting at Makabayan”. Kasama ni Speaker Cayetano ang ilang opisyal ng gobyerno sa flag raising and wreath-laying ceremony na pinangasiwaan ng National Historical Commission of the Philippines. Hindi man nakadalo sa aktibidad, ipinaabot naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbati sa pamamagitan ng isang pahayag.