By Racquel Bayan | Radyo Pilipinas
Puspusan na ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang maibaba ang turnaround time sa paglalabas ng resulta ng mga RT-PCR test.
Pahayag ito ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon, sa gitna ng pagdagsa ng mga sumasailalim sa COVID test, kasabay na rin ng naitatalang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa Laging Handa briefing ngayong araw (Enero 10), sinabi ng kalihim na sa kasalukuyan, para sa mga umuuwing Pilipino sa bansa, nasa 48 oras hanggang tatlong araw ang hinihintay na panahon para sa paglabas ng resulta ng pagsusuri.
Sinisikap aniya nilang maibaba ang panahong ito.
Ito ayon kay Secretary Dizon ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na paikliin ang quarantine at isolation period para sa COVID-positive na fully vaccinated healthcare workers na walang ipinakikitang sintomas ng virus.
Sa ganitong paraan aniya hindi mauubos ang mga heathworker sa mga laboratoryo at mga ospital. (Radyo Pilipinas) -ag