Pinagtuunan ng pansin sa Senado ang ipinapatupad na hakbang ng MMDA para maayos ang problema sa mabigat na trapiko sa Metro Manila partikular na ang provincial bus ban. Itinurong dahilan ng MMDA ang ripple effect o 4-minute delay sa mga dumaraang sasakyan at pagdami ng bilang ng mga pribadong sasakyan. Kaniya-kaniyang solusyon naman ang inilatag ng mga senador.
