Pahayag ng CHR Gender Equality and Women’s Human Rights Center kaugnay ng dispersal ng Pride Protest sa Mendiola

Nakikiisa ang CHR Gender Equality and Women’s Human Rights Center (GEWHRC) sa mga LGBTQI+ organizations and allies sa pagkundina sa nangyaring pag-aaresto sa mga dumalo ng Pride Protest sa Mendiola kaninang umaga, 26 June 2020.

Ang kasaysayan ng Pride ay kasaysayan ng protesta. Hindi rin ito nahihiwalay sa iba pang mga isyung kinakaharap sa lipunan gaya ng paglaban sa mapanupil na Anti-Terrorism Act at ang kahirapan na dulot ng krisis. Nananawagan ang CHR GEWHRC na agarang pakawalan ang mga hinuli, na itaguyod ang karapatang magpahayag, at magdulog ng reklamo sa pamahalaan.

Sa naganap na dispersal at panghuhuli kanina, ang CHR-National Capital Region ay agarang nagpadala ng Quick Response Team para maimbistigahan at madokumento ang mga pangyayari. Patuloy tayo na magmatyag at patuloy na itaguyod ang ating mga karapatang pantao.

Sa mga nagyayari ngayon, naging mas kinakailangang maidokumento ang karanasan at mga naratibo ng ating mga kasamahang LGBTQI +sa panahon ng krisis, at tingnan kung paano ang mga karanasang ito ay bahagi ng laban ng mga maraming grupong naiiwan sa laylayan.

Popular

Longest Traslacion ends after nearly 31 hours

By Ferdinand Patinio and Christopher Lloyd Caliwan | Philippine News Agency The grand procession or Traslacion of Jesus Nazareno officially ended at 10:50 a.m. Saturday,...

‘Project AGAP.AI’ to support students, teachers towards digitally enabled PH education system —PBBM

By Brian Campued “As we hit the ground running in 2026, once again, we start a new era in our educational system.” In line with the...

Province-wide ‘Benteng Bigas’ rollout to start in Pangasinan next week —D.A.

By Brian Campued Following the successful nationwide rollout of “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” Program in 2025, the Department of Agriculture (DA) is set to...

D.A. assures budget transparency with ‘FMR Watch’

By Brian Campued To ensure that the budget allocated to the agriculture sector this 2026 is used for projects that will directly benefit Filipinos, the...