Mahal na mga Miyembro ng SSS,
Panatilihing protektado ang inyong My.SSS account sa SSS Website sa lahat ng pagkakataon!
Iwasang maging biktima ng mga manlilinlang na nais i-hack o pasukin ang inyong account at makuha ang inyong personal na impormasyon.
Kaugnay nito, ang mga sumusunod ay mga paraan upang maprotektahan ang inyong My.SSS account:
Huwag i-click ang mga kahinahinalang “links” mula sa email o text, o “attachments” na nakalakip sa natanggap na email kung hindi ninyo kilala o hindi mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan.
Ang lehitimong website address ng SSS ay: https://www.sss.gov.ph/ . Ito ang i-type o ilagay sa “address bar” ng inyong Internet Browser.
Hangga”t maari, huwag gumamit ng pampublikong computers sa pagbubukas ng inyong My.SSS account at huwag kalimutang mag-log-out.
Regular na palitan ang inyong password at gumamit ng malakas na password sa pamamagitan ng paggamit ng pinaghalong mga titik (malalaki at maliliit na titik) at numero at huwag gumamit ng inyong personal na impormasyon.
Huwag basta ibigay ang inyong personal na impormasyon sa kahit kanino, lalo na sa mga taong gumagamit ng email na may “public domain” (hal. @yahoo.com, @gmail.com). Hindi hihingin sa inyo ng SSS ang inyong user id at password.
Huwag makipag-transaksiyon sa “fixers” o mga taong nangangakong irerehistro o ire-reset ang inyong My.SSS account, at naniningil ng bayad kapalit ng naturang serbisyo. Hindi humihingi ang SSS ng bayad kapalit ng tulong sa pagrerehistro o pagre-reset ng password ng My.SSS account.
BABALA: Walang pananagutan ang SSS sa mga transaksiyong naganap na may pakikipag-ugnayan o sabwatan sa “fixers”, at ang SSS member ang magbabayad at mananagot sa buong halaga ng sangkot na “fraudulent” loan o claim application.
Kung may natuklasan kayong mga aktibidad na wala kayong pahintulot tulad ng mga kahinahinalang transaksiyon gamit ang inyong My.SSS account, palitan agad ang inyong password at mag-email sa [email protected] at/o sa [email protected].
Panatilihing ligtas ang inyong My.SSS account at online transactions!