Palasyo: Gobyerno, hindi nagpabaya sa pagtaas ng kaso ng covid-19

Nanindigan ang Malacañang na hindi nagpabaya ang gobyerno sa kabila ng pagtaas ng bilang ng kaso ng covid-19 sa bansa na ngayon ay nasa mahigit isang milyon na.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi lang naman Pilipinas ang nakararanas ng pagtaas ng kaso. Dagdag pa niya, nananatiling maayos ang paghawak ng gobyerno sa sitwasyon.

“Huwag ninyo pong titingnan lamang ang 1 million cases. Unang-una, halos 900,000 na po ang gumaling diyan,” sabi ni Roque sa kanyang press briefing noong Lunes.

“So I don’t think it is a negative reflection. On the other hand, dahil nga po mayroon tayong world ranking, makikita po natin na we are managing still the new variants rather well,” dagdag ni Roque.

Iginiit ng opisyal na epektibo ang naging implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) at kasalukuyang modified ECQ sa National Capital Region Plus Bubble.

Inaasahang ia-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkules kung ano ang kahihinatnan ng quarantine protocols sa buong bansa ngayong malapit nang matapos ang klasipikasyon sa buwan ng Abril.

“Ang tinitingnan po natin iyong two-week attack rate, iyong daily attack rate, at saka iyong healthcare utilization rate,” saad ni Roque.

Panoorin ang ulat ni Mela Lesmoras:

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, pabor siyang palawigin pa ang pagpapatupad ng modified ECQ sa Kalakhang Maynila na siya namang sinuportahan ng isang eksperto.

“Without accountability or visibility on these indicators, I would say na we’re not yet ready for a GCQ [general community quarantine],” sabi ni Dr. John Wong, na isang eksperto sa epidemiology.

Inihayag ng dalubhasa na kailangan ang mahigpit na pagbabantay ng mga munisipalidad sa pagpapatupad ng minimum health standards, mabilis na pagtugon sa mga taong may sintomas, at ang pagpapataas ng bilang ng nababakunahan. – Ulat ni Mela Lesmoras/AG-jlo

Popular

MRT-3, LRT-2 logs highest post-pandemic riderships due to PBBM’s ‘Libreng Sakay’

By Brian Campued Over 1.2 million passengers benefitted from the government's “libreng sakay” program on Wednesday following President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive, according to...

PBBM honors laborers, assures them of further gov’t support

By Dean Aubrey Caratiquet In a Labor Day message on Thursday, May 1, President Ferdinand R. Marcos Jr. honored Filipino workers whom he described as...

PH, New Zealand ink visiting forces deal to bolster defense ties

By Brian Campued The Philippines and New Zealand on Wednesday signed the treaty documents for the Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA), which would enable...

All residents eligible for P20/kg rice on May 1 Cebu rollout — Palace

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Everyone, regardless of income status, will be eligible to purchase rice at P20 per kilo on May...