Pinapurihan ng Palasyo ang naging maagap na pagkilos ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ng mga lugar na dinaanan ng Bagyong Vinta kahit pa holiday season.
Sa update na binigay ni Presidential Spokesperson Harry Roque, umabot na sa 17,732 ang mga apektadong pamilya o katumbas ng 64,393 na indibidwal.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakapamahagi ng ng family food packs sa 816 na pamilya sa Balo-i, Lanao del Norte habang aabot naman na sa 100 thousand pesos-worth ng gamot ang naibigay na ng Department of Health (DOH) sa mga evacuees.
Ngayong hapon, inaasahang magtutungo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Lanao del Norte para personal na alamin ang lagay ng mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Vinta doon. | (Nimfa Mae Asuncion/Radyo Pilipinas)