Pansamantalang pagtatapos ng Service Contracting at Libreng Sakay Program

Dahil sa pagtatapos ng effectivity ng Bayanihan to Recover as One Act ngayong araw, 30 June 2021, pansamantala munang ititigil ang pagpapatupad ng Service Contracting at Libreng Sakay Program ng DOTr at LTFRB simula bukas, 1 July 2021.

Ito ay sa kadahilanang ang pondo na ginagamit pambayad sa mga tsuper at operator na kasali sa Service Contracting at Libreng Sakay Program ay nagmumula sa Bayanihan to Recover as One Act.

Sa kabila nito, naniniwala si Secretary Art Tugade, at ang kabuuan ng DOTr at LTFRB, na malaking tulong ang Service Contracting sa mga pasahero dahil sa dulot nitong Libreng Sakay, gayundin sa mga drayber at operator, kung saan sila ay na nababayaran ng gobyerno sa bawat kilometrong kanilang bina-biyahe, may sakay man sila o wala.

Dahil dito, makaaasa ang ating mga kababayan na gagawin ng DOTr at LTFRB ang lahat ng aming makakaya upang maipagpatuloy muli, sa lalong madaling panahon, ang programa sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para rito sa ilalim ng Republic Act 11518 o General Appropriations Act (GAA) 2021. Sa ngayon, pinoproseso na ng DBM ang pagpapatupad nito.

Ang LTFRB ay patuloy din po sa pagbibigay ng payout at insentibo sa ating mga drivers na sumali sa Service Contracting Program, para sa mga araw at kilometrong kanilang ibiniyahe.

Kasalukuyan ay umabot na sa P1.5-Bilyon ang halaga ng payout at insentibo na naipamahagi sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan na sumali sa Service Contracting Program.

Ayon din sa huling tala ng LTFRB, mahigit 19,000 drivers na ang nakakuha ng initial payout at 8,347 drivers naman ang nakatanggap na ng kanilang P25,000 at P20,000 onboarding incentives sa iba’t ibang rehiyon.

Samantala, mula ika-29 ng Marso hanggang ika-28 ng Hunyo 2021, nakapagtala naman ang Libreng Sakay Program ng ridership na umabot na sa higit 27.9 Million.

Mga kababayang pasahero, tsuper, driver at operator, hindi namin kayo iiwan.

 

 

Popular

Bringing gov’t service, info to the grassroots: PTV inaugurates regional center in Marawi City

By Brian Campued Continuing its mandate to amplify the government’s commitment to serving the people by reaching every corner of the nation, the People’s Television...

Ishiba seeks continued PH-Japan unity vs coercion in regional waters

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Visiting Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru on Tuesday called for continued coordination between Japan and the Philippines...

OCTA survey ‘validates’ admin’s efforts — PBBM

By Brian Campued The public’s appreciation of the administration’s efforts to address the Filipino people’s needs inspires President Ferdinand R. Marcos Jr. to continue bringing...

PH, Japan begin talks on new logistics deal

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency The Philippines and Japan agreed to begin negotiations on an Acquisition and Cross-Servicing Agreement (ACSA) that would...