Panuntunan sa pasuweldo para sa Bonifacio Day, inilabas

Muling pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang tamang panuntunan sa pasuweldo para sa Nobyembre 30, Araw ni Bonifacio, na isang regular na holiday.

Sa inilabas na Labor Advisory No. 10, series of 2017 bilang pagtalima sa Proclamation No. 269 ni Pangulong Rodrigo Duterte, idineklarang regular holiday ang Nobyembre 30 bilang pag-alala sa kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio.

Kasunod nito, itinatakda ng DOLE na ipatupad ng mga employer ang mga sumusunod na panuntunan sa pasahod para sa Nobyembre 30:

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%];

Kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw para sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA [(Arawang suweldo + COLA) x 200%].

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho ng lagpas sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x bilang ng oras na tinrabaho).

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang day-off o rest day, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang daily rate at 200 porsiyento ng kanyang arawang sweldo [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] + [30% (Arawang suweldo x 200%)];

Sakali namang mataon na day-off ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x 130% bilang ng oras na tinrabaho).

Para sa karagdagang impormasyon para sa mga panuntunan sa pasahod tuwing holiday, maaaring tumawag sa 24/7 DOLE Hotline 1349. (DOLE-PR)

Popular

PBBM, Malaysian PM tackle economic, security issues faced by ASEAN

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. spoke with Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim over the phone on Friday...

NMC: China’s ‘seizure’ of Sandy Cay ‘clear example of disinformation’

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The National Maritime Council (NMC) on Saturday slammed China’s disinformation activities by announcing that it has taken...

PCO eyes inter-agency task force to combat fake news

By Christopher Lloyd Caliwan | Philippine News Agency The Presidential Communications Office (PCO) on Friday said it would create an inter-agency task force to combat...

DepEd boosting intervention amid poor literacy report among grads

By Joyce Ann L. Rocamora | Philippine News Agency The Department of Education (DepEd) assured on Thursday that the government has been intensifying interventions in...