Pasay magpapatupad ng “No Face Shield, No Ride” policy sa mga pasahero ng tricycle

Pasay PR

Naghahanda ang Pasay LGU na City na i-require ang mga tricycle passengers na magsuot ng face shields bukod sa face mask bilang dagdag na pangontra sa COVID-19.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular 2020-014 ng Department of Transportation (DOTr) na nagsasaad na, ‘… this is to mandate all officials/heads of various transportation sectors to enjoin within their respective jurisdictions the mandatory wearing of face shields (aside from face masks) for ALL passengers in areas where public transportation is allowed, effective on 15 August 2020.’

Una nang sinabi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na base sa mga pag-aaral, ‘wearing of face shields would further reduce virus transmission in low ventilation settings.’

Ayon kay Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano, “Ang pagsusuot ng face shields sa pampublikong transportasyon ay magiging bahagi na ng minimum health protocols laban sa virus, kasama ang pagsusuot ng face mask, pag-obserba ng physical distancing at regular na paghuhugas ng kamay. Nananawagan ako sa lahat ng mga Pasayeño pati sa mga bumibisita sa ating lungsod, na makipag-cooperate sa ganitong hakbangin. Ito ay para sa kapakanan ng lahat.”

Sa kasalukuyan ay mga tricycle lang ang public utility vehicle na pinayagang mag-operate sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) nitong August 4 to 18. Depende sa mga susunod na anunsyo ng IATF ay posibleng payagan muli ang operasyon ng iba pang pampublikong transportasyon bagamat limited capacity lang.

“Inatasan ko na si Ace Sevilla, head ng ating Tricycle and Pedicab Franchising and Regulatory Office (TPFRO) na talakayin ito sa lahat ng mga samahan ng tricycle drivers and operators sa Pasay,” ani Mayor Emi.

Ayon naman kay Sevilla, “Lahat ng tricycle drivers at operators ay dapat ipatupad ang No Face Shield, No Ride policy. Kailangang maglagay sila ng anunsyo ng polisiyang ito sa kanilang mga terminal. Ang DOTr memo ay sa August 15 pa epektibo. Pero, hinihikayat ko ang lahat na ngayon pa lang ay isagawa na natin ang safety measure na ito upang malabanan natin ang virus.”

Ang mahigit 4,000 tricycles sa Pasay City ay pinapayagang mag-operate sa ilalim ng quarantine measures base sa color-coding scheme upang mabgyan ng pantay na oportunidad ang bawat isa na makapasada at kumita, habang natitiyak naman ang limitadong bilang ng mga sasakyan sa kalsada kada araw. Ang mga tricycle na mayroong pink sticker ay pwedeng bumiyahe tuwing Lunes, Martes, Huwebes at Sabado. Ang mga may green sticker naman ay tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo puwedeng bumiyahe.

Isang pasahero lang ang pinapayagan kada tricycle at walang back ride. Kailangan ding may barrier sa pagitan ng driver at pasahero. Dapat ding regular na dini-disinfect ang yunit.

Ang mga E-trikes, colorum at E-bike ay hindi pnapayagang kumuha ng pasahero. Samantala, ang mga samahan naman ng pedicab drivers and operators ay nauna nang nagdesisyong huwag munang bumiyahe habang may community quarantine.

Popular

PBBM unbothered by dip in ratings, decline due to fake news – Palace

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency On Monday, April 21, Malacañang said President Ferdinand R. Marcos Jr. remains focused on governance despite a...

PBBM decries ‘gangster attitude’ over road rage incidents

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday denounced what he described as a growing culture of aggression...

Palace hails PH humanitarian team for Myanmar quake response

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang commended members of the Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) who returned Sunday evening from a mission...

AFP welcomes ‘West PH Sea’ inclusion on Google Maps

By Brian Campued The inclusion of the West Philippine Sea (WPS) on Google Maps further asserts the country’s internationally recognized sovereign rights over its maritime...