By Hajji Kaamiño | Radyo Pilipinas
Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Pateros na handa na ito sa pagbabakuna ng mga batang lima hanggang 11 taong gulang laban sa COVID-19.
Ayon kay Pateros Mayor Miguel Ponce, 6,000 kabataan na kabilang sa age group ang target nilang bakunahan. Hinihintay na lamang aniya ng municipal government ang guidelines sa vaccination.
Pero matagal na umanong nakapaghanda ang lokal na pamahalaan at kumpleto na ang requirements, lalo’t umuusad ang pagbabakuna sa 12 to 17 years old at malapit nang matapos.
Sa target na 6,000, nasa 2,400 o 40% ng five to 11 years old ang nakapagrehistro na sa vaccination program sa pamamagitan ng QR code.
Ipinaliwanag ni Ponce na sa simula ay nagdadalawang-isip pa ang mamamayan, ngunit pagkatapos ng dalawang linggong pag-roll out ay dumarami na ang tumatanggap nito. (Radyo Pilipinas) -ag