Payo ng isang eksperto sa publiko, huwag munang magpaturok ng 4th dose

By Julius Gonzales | Radyo Pilipinas

 

Pinayuhan ng isang eksperto sa infectious disease ang publiko na huwag munang magpaturok ng fourth dose ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Dr. Edsel Salvana na hindi pa tiyak ang pagiging epektibo ng ikaapat na dose at ang posibleng side effects nito.

Kailangan pa aniyang masusing pag-aralan kung kailangan pa ba ng fourth dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon pa kay Dr. Salvana, mayroon nang ginagawang pag-aaral ngayon para sa tinatawag na next generation vaccines na mas magiging epektibo pa kalaunan kaysa sa ikaapat na dose.

Sinabi pa ni Dr. Salvana na ang mahalaga sa ngayon ay makakuha ng primary dose ng bakuna upang makatanggap ng sapat na proteksiyon, at ang booster dose na nakapagbibigay pa ng dagdag na proteksiyon laban sa malalang kaso ng COVID-19.

Kung sakaling dumating sa punto na makakita ng basehan at ebidensya para payagan ang fourth dose, sinabi ni Salvana na baka ibigay na lamang ito sa mga target sector o sa mga healthcare workers na mataas ang exposure sa virus, sa mga senior citizen, at may comorbidity.

Sa ngayon, ani Dr. Salvana, ay wala pa naman siyang nababalitaan na mayroon nang mga indibidwal na nagpaturok na ng fourth dose sa Pilipinas. (Radyo Pilipinas)

-ag

 

Popular

PBBM ready to disclose SALN, reaffirms commitment towards transparency

By Dean Aubrey Caratiquet Cognizant with his earlier directive calling for a “lifestyle check” on government officials as part of a renewed call towards transparency...

PH gets support from Cambodia, Thailand in 2026 ASEAN chairship

By Brian Campued Cambodia and Thailand have conveyed their support for the Philippines’ upcoming chairship of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) next year. During...

PBBM cites efforts to build ‘future-ready’ PH

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The Philippines will be “future-ready” through fair taxation, relief for workers and measures to ease the cost...

PBBM champions early childhood education

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday distributed 35 school bags and a Starlink unit in La Paz Child Development Center (CDC)...