PCG, palalakasin ang seguridad sa Philippine Rise sa tulong ng buoys

Palalakasin pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa karagatan ng bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng lighted ocean buoys na binili mula sa navigation company Mediterraneo Señales Maritimas sa Spain.

Kasunod ito ng pagdating sa Cebu ng tatlo mula sa sampung “state-of-the-art lighted ocean buoys,” mga ilaw na may paglalayong mapaigting ang kakayahan ng PCG sa pagpapanatili ng kaligtasan at pagpapatupad ng mga restrictions sa Philippine Rise o dating Benham Rise.

Nitong Lunes (May 10), sinabi ni PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr. na ang ilalagay na buoys sa Philippine Rise ay magsisilbing marka para sa maayos na pagbiyahe ng mga barko at teritoryo ng Pilipinas.

PCG TO INSTALL STATE-OF-THE-ART BUOYS IN THE PHILIPPINE RISE

The Philippine Coast Guard (PCG) is set to install the…

Posted by Philippine Coast Guard on Monday, May 10, 2021

Ang mga buoys ay mayroong makabagong navigation lantern, specialized mooring systems, at remote monitoring system na kayang maglipat ng datos o pangyayari papunta sa PCG National Headquarters sa Port Area, Manila.

Pangungunahan ng PCG Maritime Safety Services Command at M-NAV Solutions Inc. ang paglalagay ng mga 30-foot long buoys sa May 12.

Dagdag ni Ursabia, ang presensya ng mga buoys sa Philippine Rise ay magpapaigting ng seguridad sa nasabing special protected zone.

Ang Philippine Rise ay isang extinct volcanic ridge at bahagi ng exclusive economic zone ng bansa. – (PTV News)/CF-jlo

 

Panoorin ang buong ulat:

Popular

Palace won’t interfere with HOR Dolomite Beach probe, warns against politicking

By Dean Aubrey Caratiquet Citing an upcoming probe on Manila Bay’s Dolomite Beach to be held by the House of Representatives on November 17, the...

PBBM orders early release of 2025 year-end bonus, cash gift for gov’t workers

By Brian Campued Government workers are set to receive their 2025 year-end bonus that is equivalent to one month's basic salary as well as a...

PBBM ‘hard at work’ to alleviate poverty, uplift PH economy

By Dean Aubrey Caratiquet Malacañang assured the masses that the government is doing everything in its power to uplift Filipinos’ lives, by stemming poverty at...

PBBM hopes for peaceful Bonifacio Day protests

By Dean Aubrey Caratiquet  Acknowledging the citizenry’s outrage over the flood control mess and anticipating mass demonstrations on November 30, President Ferdinand R. Marcos Jr....