By Sheila Lisondra | Radyo Pilipinas Davao
Dumating na sa Davao City ang dagdag na Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine para sa mga kabataang may edad 5 hanggang 11 taon para sa pagsisimula ng pagbabakuna sa age group sa Davao region ngayong Lunes (Peb. 14).
Lumapag sa Davao International Airport ang Cebu Pacific Commercial Flight 5J 961 kaninang alas 6:56 ng umaga sakay ang 54,000 doses ng bakuna.
Nakatakdang simulan ang rollout ng vaccination ngayong Lunes sa 790,236 sa mga kabataan sa rehiyon.
Nananawagan na lamang ang opisyal sa mga magulang at guardians na tulungan ang mga kabataan mula sa nasabing age group na mabigyan ang mga ito ng proteksiyon mula sa pagkakaroon ng malalang sintomas sakaling tamaan ng COVID-19. (Radyo Pilipinas)
-ag