PH, UAE lumagda ng kasunduan para sa proteksiyon ng OFW

Isang tagumpay ng pamahalaan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga migranteng manggagawa ang natapos na kasunduan sa pagitan ng United Arab Emirates na magpapalakas sa pagtutulungan ng dalawang bansa para sa proteksiyon ng overseas Filipino workers.

Sa Memorandum of Understanding on Labor Cooperation, nagkasundo ang dalawang bansa na palakasin ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng magkasamang pagpapatupad ng mga gawain para sa kapakanan ng bawat isa at pagbibigay ng sapat na proteksiyon sa mga OFW.

Ang kasunduan ay nilagdaan kamakailan lamang nina Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III at UAE Minister of Human Resources Saqr Ghobash sa Abu Dhabi.

Kasama sa mga pangunahing bahagi ng kooperasyon ay ang magkasamang pangangasiwa ng contract employment cycle kabilang ang paggamit ng information technology at ang pagpapalitan ng impormasyon, pagpapalakas ng mga regulasyon upang sugpuin ang trafficking in person, at regulasyon ng mga recruitment agency para sa pagpapatupad ng patas at malinaw na gawain sa pagre-rekrut.

“Tatalakayin din sa kasunduan ang ang paglalagay ng transparency para tugunan ang contract substitution,” ani Bello.

Sa ilalim ng MOU, ang kaparehong alok ng trabaho at employment contract ay lalagdaan ng mga opisyal ng pamahalaang Pilipinas at UAE. “Ito ang titiyak para sa epektibong implementasyon ng kontrata,” ani Bello.

Nakasaad sa MOU na dapat tiyakin ng pamahalaang Pilipinas ang pagsunod sa mga batas, patakaran, at regulasyon sa pagre-recruit, kasama ang pisikal at pangkaisipang kalagayan ng manggagawa, gayundin ang pagbibigay ng impormasyon ukol sa batas, polisiya, kultura at mga kaugalian sa UAE. Kasama dito ang epektibong pagsusuri sa mga alok na trabaho at kontrata, at tulong mula sa embahada, konsulado at Philippine Overseas Labor Office sa mga OFW na may problema.

Para sa kanilang bahagi, titiyakin ng pamahalaan ng UAE ang pagpapatupad at implementasyon ng employment contract at pangangalaga sa karapatan ng OFW. Sa batas ng UAE, mayroong Labor Code at Law on Domestic Workers na nagtatakda sa karapatan ng manggagawa kabilang ang OFW.

Kasama sa MOU ang Annex on the Protocol on Domestic Worker kung saan nakasaad ang pagre-recruit ng OFW domestic worker sa UAE, alinsunod sa batas at regulasyon ng dalawang bansa.

Ang ilan sa mga tiyak na karapatan sa ilalim ng Protocol, sa pamamagitan ng Standard Employment Contract sa ilalim ng bagong aprobadong UAE Law on Domestic Worker, ay ang: pagtrato sa manggagawa na may pagsasaalang-alang sa kanilang dignidad at pisikal na kaligtasan; tamang pasahod at hindi pagkakait ng kanilang sahod; 12 oras ng araw-araw na pahinga; isang buong araw na pahinga sa loob ng isang linggo; maayos na matitirhan, pagpapagamot; pananatili ng dokumentong pagkakakilanlan tulad ng pasaporte; at hindi pagbabayad ng gastusin sa pag-uwi.

“Sa pamamagitan ng MOU, magkakaroon ng mas matibay na proteksiyon ang mga OFW sa UAE, at ang matatag na katiyakan mula sa dalawang pamahalaan na bibigyang-halaga ang kanilang kaligtasan,” ani Bello. (DOLE-PR)

Popular

AFP: VP security group reorganized, not disbanded

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency The Armed Forces of the Philippines (AFP) clarified that the Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG)...

Myanmar quake death toll passes 3,300: state media

By Agence France-Presse The death toll from a major earthquake in Myanmar has risen above 3,300, state media said Saturday (April 5), as the United...

Filipinos nabbed in China ordinary citizens with no military training

By Joyce Ann L. Rocamora | Philippine News Agency The National Security Council (NSC) has expressed alarm over the arrest of three Filipino nationals for...

PH Contingent lends helping hand on rescue, medical ops in quake-hit Myanmar

By Brian Jules Campued The Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) on Friday continued to assist in rescue and medical operations in Myanmar as the Southeast...