Philippine Navy (PN), binigyang diin na sinusunod nito ang protocol kung may namataan na banyagang barkong dumadaan sa karagatan ng bansa matapos maiulat ang pagdaan ng mga barkong pandigma ng China sa karagatan ng Pilipinas. Kaugnay nito, isinasapinal na ang “rules of engagement” para sa mga banyagang barkong manghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.