Pinsala ng bagyong Odette sa electric coops sa bansa, umabot na sa halos P300-M

By Jesson Tamondong | Radyo Pilipinas

Inihayag ng National Electrification Administration (NEA) na patuloy ang pagtaas ng halaga ng naitatalang pinsala ng bagyong Odette sa mga electric cooperative sa bansa.

Ayon sa pinakahuling tala ng NEA Disaster Risk Reduction Management Department, umakyat na sa P300 milyon ang halaga ng napinsala ng bagyong Odette sa mga electric cooperative, partikular na sa mga lugar sa Visayas na lubhang sinalanta ng bagyo.

Ayon sa ahensya, patuloy pang pumapasok ang ulat ng ibang kooperatiba tungkol sa pinsala na natamo ng mga ito dahil sa bagyo.

Samantala, unti-unti na aniyang naibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang bayan sa hilagang bahagi ng Cebu, kasalukuyan na rin aniyang puspusan ang ginagawang pagsasaayos ng mga transmission line sa ibang bahagi ng Cebu, upang maibalik ang suplay ng kuryente. -rir

Popular

PBBM hopes for peaceful Bonifacio Day protests

By Dean Aubrey Caratiquet  Acknowledging the citizenry’s outrage over the flood control mess and anticipating mass demonstrations on November 30, President Ferdinand R. Marcos Jr....

PBBM: U.S.-China trade truce gives global markets ‘sigh of relief’

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Saturday welcomed the easing of trade tensions between the United States...

PBBM, APEC leaders adopt ‘Gyeongju Declaration’ on AI, growth

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. joined Asia-Pacific leaders in concluding the 2025 APEC Economic Leaders’ Meeting on...

PH, SoKor to expand ties on defense, security, infra

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and South Korean President Lee Jae-myung have reaffirmed their countries’ deep strategic...