PNP chief, tiniyak na mananatili ang quarantine control points

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Guillermo Eleazar na itutuloy ng mga pulis ang mahigpit na border controls sa pamamagitan ng quarantine control points para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ay matapos na bigyang-diin ng OCTA Research Group ang kahalagahan ng pagpapanatili ng border controls sa mga probinsya at rehiyon sa bansa, sa harap ng pagluwag ng quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na probinsya.

Ayon kay Eleazar, “We guarantee that the PNP will maintain heightened measures on border control points so that the virus will no longer spread from one place to another.”

Dagdag niya, “Sa ngayon po ay patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng ating kapulisan sa mga quarantine control points, lalo na’t may nakitang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ibang rehiyon bukod sa NCR. Iniiwasan natin na kumalat muli ang virus, maging sa mga lugar na maituturing na low-risk areas sa ngayon.”

Ani rin ni Eleazar, susundin pa rin nila ang guidelines na ilalabas ng national government kung may mga pagbabagong gagawin sa border controls.

“Kami ay tagapagpatupad lamang ng mga alituntunin na ibinababa ng IATF, kaya’t kung may mga pagbabago man po, sakaling matuloy ang pagluluwag sa ibang lugar, amin po itong ipatutupad,” aniya.

Pananatilihin ng PNP ang quarantine control points upang masigurong walang mga hindi importanteng pagbiyahe, lalo na mula sa mga lugar na nasa ilalim ng mahigpit na quarantine patungo sa mga maluluwag na ang quarantine.

Inatasan na ang mga pulis na nagbabantay sa mga checkpoint na padaanin ang mga sasakyang nagdadala ng essential goods o iyong may mahahalagang biyahe. May ginagawa ring random inspections sa mga quarantine control point. ### (PNP-PIO) – jlo

Popular

PBBM champions PH WPS claims in talks with U.S., India at 47th ASEAN Summit

By Dean Aubrey Caratiquet Cognizant of China’s continuing aggression in the West Philippine Sea (WPS), President Ferdinand R. Marcos Jr. raised such developments in these...

PBBM ready to disclose SALN, reaffirms commitment towards transparency

By Dean Aubrey Caratiquet Cognizant with his earlier directive calling for a “lifestyle check” on government officials as part of a renewed call towards transparency...

PH gets support from Cambodia, Thailand in 2026 ASEAN chairship

By Brian Campued Cambodia and Thailand have conveyed their support for the Philippines’ upcoming chairship of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) next year. During...

PBBM cites efforts to build ‘future-ready’ PH

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The Philippines will be “future-ready” through fair taxation, relief for workers and measures to ease the cost...