Poe: Bilisan ang pagbabakuna, bigyang trabaho ang mga Pilipino

Pinamamadali na ng mga senador ang vaccination roll out program sa Pilipinas upang tuluyan nang mabuksan muli ang ekonomiya at mabigyan na ng trabaho ang mga Pilipino.

Ayon kay Sen. Grace Poe, nakaka-alarma ang ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang Pilipinas ang may ‘worst jobless rate’ o ang may pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho sa Asya.

“Jobs are the best cure for poverty, just as jabs are our relief to the pandemic. In both situations, the urgency of the action is critical,” sabi ni Poe.

Aniya, dapat mabilis ang aksyon ng gobyerno para hindi mapag-iwanan ang bansa sa mga susunod na taon.

“According to the state planning agency, the country’s jobless rate steadily declined, reaching 7.1% in March. This is, however, still the highest among seven emerging Asian countries,” dagdag ng senador.

Ayon sa mambabatas, kailangan ang mga cash aid at ang mga grocery packs, ngunit mas kailangan ang mga programa ng gobyerno para muling kumita ng pera ang mga tao.

Para naman kay Sen. Risa Hontiveros, hindi aniya aabot sa target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70% ng mga Pilipino sa pagtatapos ng taon dahil sa bagal ng roll out ng mga bakuna sa buong bansa.

Giit naman ni Sen. Panfilo Lacson, ang mga pangyayari ng ilegal na pagbebenta ng bakuna kontra COVID-19 ay senyales na kailangang magkaroon ng malawakang hakbang sa pagbabakuna mula sa pamahalaan. – Ulat ni Eunice Samonte / CF-rir

Popular

Palace assures no cover-up in missing ‘sabungeros’ case amid search, retrieval ops

By Brian Campued The government remains committed to uncovering the truth about the case of the 34 missing “sabungeros” to serve justice to the victims...

Taal Lake site assessment yields sack containing ‘bones’ — DOJ

By Brian Campued The Department of Justice (DOJ) confirmed that authorities retrieved a sack containing burned remains believed to be human bones during the initial...

LTO integrates online driver’s license renewal system in eGovPH app

By Dean Aubrey Caratiquet The Land Transportation Office (LTO) has integrated the online driver’s license renewal in the eGovPH app, which ensures a fast and...

5 of 21 Filipinos in Houthi-hit ship in Red Sea rescued — DFA

By Joyce Ann L. Rocamora and Marita Moaje | Philippine News Agency Five of the 21 Filipino seafarers manning the cargo vessel Eternity C, which...