Prangkisa ng 20 PUV operators at drivers na lumahok sa welga noong 2017, kinansela ng LTFRB

PR

QUEZON CITY – Kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawampung (20) Certificates of Public Convenience (CPC) ng mga Public Utility Vehicle operator at tsuper na napatunayang lumahok sa transport strike na pinangunahan ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) noong 2017.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin B. Delgra III, ang pagsali sa tigil-pasada ay tahasang paglabag sa LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004, na nagsasaad na ang paglahok sa anumang klaseng protesta na magdudulot ng abala sa mga pasahero ay isang paghamak sa prangkisang iginawad ng pamahalaan sa mga operator.

“Lumabag sila noon, harapin nila ang kinahinatnan ngayon. Hindi kami mangingiming ipatupad ang kautusang ito dahil hindi isinaalang-alang ng mga nag-tigil pasada ang kapakanan ng mga pasahero. Ang laki ng aberyang dinulot nito sa publiko,” ani Chairman Delgra.

Samantala, inatasan naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang LTFRB na siguruhing mananagot ang mga operator na lalahok sa napipintong transport strike na inorganisa ng mga miyembro ng PISTON at ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa Lunes, ika-30 ng Setyember 2019, bilang pagsalungat sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

“Ang prangkisa, pribilehiyo ‘yan at hindi karapatan. Nakasaad sa pribilehiyong ‘yan ang responsibilidad ng operator na bigyan ng komportableng biyahe ang kanyang pasahero. Kung magtitigil pasada sila, sinong kawawa? Pasahero. Sana maisip nila ‘yon,” giit ng Kalihim.

Pinasalamatan naman ng DOTr at ng LTFRB ang mga transport group at cooperative na nagpahayag ng suporta sa programang modernisasyon ng gobyerno, maging ang mga grupong nangakong hindi sila makikilahok sa tigil pasada sa Lunes.

Sa kabila ng napipintong transport strike sa Lunes, tiniyak ng DOTr at ng LTFRB, sa pakikipagtulungan sa iba pang sangay ng gobyerno kabilang ang MMDA at mga lokal na pamahalaan, na mayroon itong nakaantabay na contingency measures para maibsan ang epekto ng ikinakasang welga sa mga mananakay.

Popular

PBBM’s ‘Libreng Sakay’ benefits 4.3-M passengers

By Brian Campued Nearly 4.3 million passengers reportedly benefited from free train rides offered by Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Lines...

PBBM orders probe into NAIA bollards after T1 tragedy

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered a separate probe into procurement and technical specifications of the bollards installed at the Ninoy Aquino...

Ignore fake news: Election day still May 12

By Ferdinand Patinio | Philippine News Agency The Commission on Elections (Comelec) on Monday, denied that the May 12 midterm elections have been moved to...

PBBM orders crackdown, vows reform on transport system after tragedies at SCTEX and NAIA Terminal 1

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. vowed to implement reforms in the country’s transport sector as he lamented the deaths of several individuals...