Bagong-upong Acting Secretary ng Department of Budget and Management (DBM), nangakong isasaayos at sisimplehan ang sistema ng pagpopondo sa mga proyekto ng pamahalaan. Pabibilisin din ang paglabas ng mga Special Allotment Release Order (SARO) para mahabol ang mga napipintong gastusin kaugnay sa naantalang 2019 national budget.