PRRD: Gamitin sa tama ang financial aid ng pamahalaan

By Racquel Bayan | Radyo Pilipinas Uno

Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lokal na pamahalaan at mga residenteng sinalanta ng bagyong Odette na tiyaking magagamit sa tama o angkop na paraan ang mga tulong pinansiyal na ipaaabot ng pamahalaan.

Sa pagbisita ng Pangulo sa Siargao, sinabi niya na nakahap na ng pondo ang gobyerno para sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyo.

Aniya, una na rin niyang sinabihan ang gobernador sa lugar na tiyaking sa wasto magagamit ang mga pondong ito.

“Just wait for the money to arrive. Take care of it and spend it wisely. I’ve already told the governor. To those who don’t care, you may just use the money to gamble. And when you run out of money, you get hungry,” anang Pangulo.

Lalo at kinailangan aniyang bawasan ang budget ng ilang government projects, upang agad na makapagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

“I’ve found the budget for you. Last night, we were working hard because we were cutting the budget of some government projects just so that I could give you something immediately. This is for the people, not for infrastructures,” paliwanag niya.

Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na ipinag-utos na ng Pangulo ang paglalabas ng P1 bilyong pondo para sa mga nasalanta ng bagyo. (Radyo Pilipinas) – jlo

Popular

PBBM inks law declaring protected areas in Tarlac, Southern Leyte

By Dean Aubrey Caratiquet Recognizing the need to protect landscapes and ecosystems from human activity and urban encroachment, President Ferdinand R. Marcos Jr. has signed...

Palace hits Discayas over ‘misinformation’ on PH film center project

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Saturday slammed the camp of contractor couple Cezarah “Sarah” and Pacifico “Curlee” Discaya for claiming...

Eala reaches Guadalajara 125 Open finals

By Jean Malanum | Philippine News Agency Filipino tennis ace Alex Eala reached the Guadalajara 125 Open finals after beating American Kayla Day, 6-2, 6-3,...

PH, Cambodia to ink 3 key agreements in PBBM’s state visit

By Brian Campued The Philippines and Cambodia are expected to sign three agreements during President Ferdinand R. Marcos Jr.’s state visit to Phnom Penh on...