PSA: Nanatili sa 4.5% ang inflation ng Pilipinas

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules (Mayo 5) na hindi nagbago ang antas ng paggalaw ng presyo ng pangunahing bilihin o inflation nitong buwan ng Abril.

Ayon sa ahensya, nanatili sa 4.5% ang inflation ng bansa dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverage. Partikular namang bumaba ang inflation sa prutas, bigas at dairy products. Binalanse nito ang tumaas na inflation sa karne, tulad ng baboy na may 22.3% inflation.

Samantala, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pasok ito sa kanilang 4.2% to 5% inflation forecast range.

Ayon sa BSP, nakatulong ang pansamantalang pagbawas sa import tariff upang bigyang-tugon ang mababang suplay at mataas na presyo ng baboy.

“The timely approval of the temporary cut in pork import tariffs is seen to help address supply constraints and ease price pressures going forward. In addition, inflation expectations remain well-anchored to the inflation target over the policy horizon.”

Ulat ni Naomi Tiburcio/NGS-jlo

Popular

WALANG PASOK: Class suspensions for July 18 due to inclement weather

Classes in the following areas have been suspended on Friday, July 18, due to the effects of Tropical Depression Crising and the southwest...

Palace responds to OVP statement vs. PBBM admin

Malacañang on Thursday, July 17, reaffirmed President Ferdinand R. Marcos Jr.’s willingness to support the Office of the Vice President’s (OVP) programs and his...

PH population reaches 112.7-M —PSA

By Brian Campued The official population count of the Philippines reached 112,729,484 as of July 1, 2024, the Philippine Statistics Authority (PSA) announced Thursday. The latest...

NDRRMC now on ‘red alert’ due to ‘Crising’; DSWD assures aid to affected communities

By Brian Campued In line with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive for a whole-of-government approach to disaster preparedness and response, the National Disaster Risk...