PSC Commissioner: ‘Test in discipline’ ang pandemya

Kumpiyansa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Celia Kiram na hindi madedehado ang atletang Pinoy sa hangaring madepensahan ang overall championship sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam. 

Ayon kay Kiram, katulad ng Pilipinas ay lubhang naapektuhan din ang kahandaan at pagsasanay ng mga kapitbahay ng bansa sa kompetisyon dahil sa COVID-19, kung kaya’t hindi maituturing na kalamangan sa host at sa iba pang bansa ang desisyon na ituloy ang nabinbin na biennial meet ngayong taon.

Ngunit ang malaking katanungan: Handa ba ang atletang Pinoy?

Ani ng opisyal na nagsusulong ng “women empowerment” sa sports, ginawa ng ahensiya ang tungkulin at responsibilidad para sa mga atleta sa loob ng mahigit dalawang taon na paglaban sa pandemya, kaya kumpiyansa siyang tinupad naman ng mga atleta ang kanilang responsibilidad na manatiling malusog, regular na pagsasanay, at kahandaan sa kompetisyon.

Hindi kami nagkulang sa PSC sa suporta sa ating mga atleta. We didn’t remiss on our duties and responsibilities. Hopefully ganoon din ang ating mga atleta,” pahayag ni Kiram sa kaniyang pagbisita nitong Huwebes sa unang sesyon ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports sa TOPS Facebook at YouTube page.

“Kahit ibinagsak ang kabuhayan ng bansa ng pandemic, patuloy naming ibinigay ang monthly allowances ng mga atleta at coach, gayundin sa kanilang training expenses. ‘Yung iba pumasok sa “bubble” setup, ‘yung iba naman inabutan na sa abroad ng pandemic,” dagdag niya. 

Ayon kay Kiram, “test in discipline” ang pandemya para sa mga atleta.

“Although, regular ang communications namin sa mga sports association at sa kanilang mga officials and coaches, ‘yung pananagutan kung nagsasanay ba sila nang tama, sapat ang pagkain at training, kung  nasusunod ba ‘yung programa na ibinigay ng coach ay nasa kamay ng mga atleta at mga NSAs concerned,” sambit ni Kira sa programa na itinataguyod ng PSC, Games and Amusements Board (GAB), at PAGCOR.

Aniya, nailatag ng PSC, sa pakikipagtulungan sa Inter-Agency Task Force ang “bubble” setup sa ilang sports para ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay.

“This coming SEA Games, kumpiyansa ako sa kakayahan ng ating mga atleta, but for sure, hindi ganoon katindi ang impact, simply because on the issue of COVID-19. In 2019, ‘yung performance natin ang tindi kasi todo naman ang training hindi tulad ngayon naapektuhan talaga. But, still as what I said earlier, moral obligation nila ang magsanay, kami naman sa PSC todo pa rin ang suporta financially,” aniya.

Overall champion ang Team Philippines sa Manila SEA Games nitong 2019. Sa Hanoi, sasabak sa 39 sa kabuuang 40 sports ang Team Pilipinas, ngunit ilan sa mga sports na humakot ng medalya ang Pinoy sa Manila edition ay hindi lalaruin sa Vietnam.

“We already submitted the entry by number sa Vietnam with around 627 athletes. ‘Yung entry by names sa April pa, kaya may time pa ang mga NSA para mapili kung sino ang mga potetiall medalists para sa PH Team,” pahayag ni Kiram.

Nakapagpalabas na ang PSC ng P200 milyon para sa kinakailangang equipment, training expenses, at exposures para sa SEA Games at may nakalaang pang P50 milyon para sa tournament proper kabilang na ang travel expenses, kagamitan, at allowances.

Hinimok ni Kiram ang mga atleta na panatilihin ang disiplina at pagpupunyagi para maabot ang pinakamataas na lebel ng pagiging kompetitibo.

“Kami naman sa PSC trabaho pa rin. Kahit na nagkakaroon na rin COVID-19 sa aming mga frontliners, we make sure na maibibigay pa rin ang pangangailangan ng ating mga atleta, gayundin ang support na hinihingi ng mga NSA at iba pang sports institution tulad ng paglalakad sa visa requirements and tax exemption para sa mga bibiyahe abroad,” sabi ni Kiram.

Pinangunahan ng opisyal ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng TOPS, sa pangunguna ni Maribeth “Beth” Repizo-Marana ng Pilipino Star Ngayon bilang bagong pangulo. (PR)   -ag

Popular

PH now ‘future-ready’ for digital realm with launch of 1st AI-driven data hub — PBBM

By Brian Campued Advancing the vision of a smarter and more digitally connected “Bagong Pilipinas,” President Ferdinand R. Marcos Jr. led the launch of the...

4 iconic Filipino figures to get Presidential award

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. will posthumously confer the Presidential Medal of Merit on four iconic Filipino...

PBBM, First Lady to attend Pope Francis’ funeral

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta-Marcos will be attending the funeral of Pope...

PBBM, Japan PM Ishiba to meet April 29

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is set to meet Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru at Malacañan Palace on April 29, the Presidential...