Public service announcement mula sa DSWD: Pansamantalang pagsasara ng DSWD offices sa Batasan

Press Release

 

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office sa Batasan, Quezon City ay magsasagawa ng dekontaminasyon mula bukas, ika-19 ng Marso hanggang Linggo, ika-21 ng buwang kasalukuyan, bilang bahagi ng pag-iingat at alinsunod sa safety protocols ng lokal na pamahalaan kontra sa paglaganap ng COVID-19.

Dahil dito, pansamantalang isasara sa publiko ang mga opisina ng DSWD sa Batasan, Quezon City kung kaya’t ang mga pampublikong transakyon ay ipagpapaliban sa mga nasabing araw kabilang na ang pagpapatupad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), na serbisyong nagbibigay ng pinansyal na tulong para sa medikal, pagpapalibing, transportasyon, at iba pang pangangailangan/suportang pinansyal na isinasagawa ng Crisis Intervention Unit (CIU).

Nais naming ipabatid sa mga kliyenteng nais humingi ng tulong bukas, ika-19 ng Marso, na sa Lunes, ika-22 ng Marso, na po magtungo sa aming opisina.

Manunumbalik ang limitadong operasyon ng CIU sa Lunes, alinsunod sa mga minimum health protocols na itinalaga ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.

Dahil sa limitadong operasyon, magiging prayoridad ang mga kliyenteng nangangailangan ng serbisyong medikal at pagpapalibing. Pinapaalalahan din ang mga magtutungo sa DSWD na magsuot ng face mask, face shield, dumistansya at palagiang maghugas ng kamay.

Para sa mga katanungan, magpadala ng inyong mensahe sa ciu.co@dswd.gov.ph o tumawag kay Ms. Nilda Corullo (0921 754 3979) o kay Ms. Renabel Alanano (0995 027 8830).

Ang buong pamunuan ng DSWD ay humihingi ng lubos na pang-unawa ng publiko. Umasa po kayo na magpapatuloy ang mapagkalinga at ligtas na serbisyo ng ahensya sa gitna ng pandemya.

Popular

Palace: Int’l, local watchdogs tapped to ensure ‘clean, honest’ polls

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The government is working with international and local watchdogs to ensure “clean and honest” midterm elections on...

DBM approves allowance increase of teachers, poll workers

By Brian Campued The Department of Budget and Management (DBM) on Friday announced that it has approved a P2,000 across-the-board increase in the compensation of...

24/7 threat monitoring center launched vs. online disinformation

By Raymond Carl Dela Cruz | Philippine News Agency The inter-agency “Task Force KKK (Katotohanan, Katapatan, Katarungan) sa Halalan” launched on Friday its new threat...

Solon lauds 5.4% GDP growth in Q1 2025

By Dean Aubrey Caratiquet In a statement on Thursday, May 8, House Speaker Martin Romualdez expressed strong approval of the country’s 5.4% gross domestic product...