Naging matagumpay ang pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa kabila ng paggiit ng Pangulo sa arbitral ruling kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea. Nagkasundo ang dalawang lider na umiwas sa mga hakbang na magpapalala sa sitwasyon sa pagitan ng dalawang bansa habang nagpapatuloy ang negosasyon hinggil sa West Philippine Sea.
