PUP, nakagawa ng 6-K litrong alcohol na may VCO

Nakagawa ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) Research Institute for Science and Technology (RIST) ng 6,000 litrong ethyl alcohol na may kahalong virgin coconut oil (VCO).                                                                               

Sinimulan ng PUP ang inisyal na produksyon nito noong Marso bilang bahagi ng kanilang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Habang wala pang face-to-face ang mga estudyante nito, sa mga komunidad, ospital, at istasyon ng pulis muna ibinabahagi ang mga produkto. Susunod namang bibigyan ang mga estudyante nito.

Ayon kay Armin Coronado, director ng PUP-RIST, may mga pag-aaral na nagsasabing ang VCO ay may “effective anti-microbial activity.”

“So inisip natin na siya ay ilagay rito para mas mabilis or masigurado tayo na mabilis ang pagpatay sa COVID-19 na virus,” paliwanag ni Coronado kamakailan.

Naglaan ang Commission on Higher Education (CHED) ng P4.9 milyong pondo sa institusyon para sa produksyon ng 12,000 litrong alcohol sa loob ng tatlong buwan.

Wala pang balak ang PUP research team na ibenta ito, pero bukas silang ipa-utility model ang naimbentong alcohol. – Ulat ni Karen Villanda/AG-jlo

Popular

Palace won’t interfere with HOR Dolomite Beach probe, warns against politicking

By Dean Aubrey Caratiquet Citing an upcoming probe on Manila Bay’s Dolomite Beach to be held by the House of Representatives on November 17, the...

PBBM orders early release of 2025 year-end bonus, cash gift for gov’t workers

By Brian Campued Government workers are set to receive their 2025 year-end bonus that is equivalent to one month's basic salary as well as a...

PBBM ‘hard at work’ to alleviate poverty, uplift PH economy

By Dean Aubrey Caratiquet Malacañang assured the masses that the government is doing everything in its power to uplift Filipinos’ lives, by stemming poverty at...

PBBM hopes for peaceful Bonifacio Day protests

By Dean Aubrey Caratiquet  Acknowledging the citizenry’s outrage over the flood control mess and anticipating mass demonstrations on November 30, President Ferdinand R. Marcos Jr....