Napagpasiyahan na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na isailalim sa state of calamity ang Real Quezon
Ito ay ininderso ng Punong Bayan sa Sangguniang Bayan sa pangunguna nina Vice Mayor Joel Amando A. Diestro at agad nilang sinangayunan sa pamamagitan ng isang resolusyon na nagdideklarang ang Bayan ng Real ay nasa State of Calamity dahil sa matinding epekto ng mga Bagyong Rolly at Ulysses
Sa ilalim ng Resolution No. 227, S-2020
“RESOLUTION DECLARING THE STATE OF CALAMITY IN THE MUNICIPALITY OF REAL DUE TO ADVERSE IMPACTS OF TYPHOON ROLLY AND TYPHOON ULYSSES.”