Selyo ng mga tradisyunal na laro inilunsad ng PHLPost

PHLPost PR

Habang nasa bahay ang mga estudyante at naka-quarantine, inilunsad naman ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang espesyal na selyong “Larong Atin, mga tradisyunal na laro” na naglalayong isulong ang mayamang kultura ng bansa.

Ang makulay na “Larong Atin Stamps” ay binubuo ng mga larong nakagisnan tulad ng bato-bato-pik / jack-en-poy, bahay-bahayan, luksong tinik at trumpo. Makikita naman sa souvenir sheet ng Larong Atin! ang larong jolen, piko, tumbang preso, at saranggola . Karamihan sa mga tradisyunal na laro ay nagtuturo sa mga kabataan ng kabutihang asal at nagpapatatag sa relasyon ng pamilyang Pilipino.

Ayon sa PHLPost, ang mga selyo ay nagsisilbing bintana ng ating makulay na kultura at kasaysayan na dapat maipagpatuloy at maibahagi ng mga magulang sa kanilang mga anak habang nasa tahanan ngayong panahon ng pandemya.

Tinatawag ding mga “laro ng lahi”, kalimitang itinuturo nito ang mga mga ugaling kinagisnan ng mga Pilipino tulad ng pakikipagtulungan, pakikiisa at pakikisama at marami pang iba.

Nag-imprenta ang PHLPost ng 100,000 kopya ng apat (4) na magkakaibang disenyo ng selyo na mabibili sa halagang P12.00, P14.00, P15.00, P17.00 bawat isa. . Nag-imprenta rin ng 5,000 piraso ng “limited collector souvenir sheet stamps” na nagkakahalaga ng P100 bawat piraso.

Ang naturang mga selyo ay iginuhit nina PHLPost in-house graphic artists Rodine C. Teodoro at Eunice Beatrix U. Dabu sa tulong ni Judith Neric ng Filipino Heritage Festival, Inc. (FHFI).

Ang “Larong Atin! Philippine Traditional Games” are mabibili sa Philatelic Counter ng Manila Central Post Office, at mga piling sangay ng post office sa bansa.

Ang mga interesado na Stamp collectors ay maaaring mag-inquire sa website (www.phlpost.gov.ph) at sa telepono (8527-0132/85270108). Maaaring ring mag-order via online sa “Stamps on Wheels” na ihahatid naman ng mga kartero o “wheel riders” at babayaran sa pamamagitan ng Cash-on-Delivery (COD).

Popular

PBBM vows continued gov’t reforms to support Filipino farmers

By Brian Campued “Ipagpatuloy po natin ang ating mga ginagawa para tulungan ang ating magsasaka upang tiyakin na mayroon po tayong ipapakain sa buong madlang...

PBBM celebrates 68th birthday with well-wishers at ‘Salo-salo sa Palasyo’

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. had an early birthday celebration on Friday as Malacañang opened its grounds to well-wishers for the annual...

PH to file diplomatic protest vs. China’s ‘nature-reserve’ plan in Bajo de Masinloc

By Brian Campued The Philippines will issue a formal diplomatic protest against China’s plan to create a nature reserve at Bajo de Masinloc in the...

PBBM institutionalizes shift to e-governance

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. has signed a law institutionalizing the transition to e-governance to foster a...