Sen. Bong Go nag-issue ng statement sa desisyon ni PRRD

Nasagot na mismo ni Pangulong Duterte na walang nagko-kontrol sa kanya. Siya mismo ang nagsabi na hindi naman sya magiging Pangulo kung pinapaikot lang siya ng ibang tao. Tanging siya ang gumagawa ng kanyang magagandang desisyon at tumutulong lang ako mula pa noon.

Natural lamang, bilang matagal niya akong assistant ng mahigit dalawang dekada, tumutulong lang ako sa pag-implementa nang tama ng mga desisyon niya na nakakabuti sa bayan. Maraming mga desisyon at isa na rito ay ang pagtaas ng suweldo ng ating mga uniformed personnel na nakabuti sa morale ng lahat ng kasapi ng AFP, PNP, BFP, BJMP at Coast Guard.

Tanungin natin ang mga kasama nya sa AFP, PNP, etc. Alam nila kung paano ako tumulong na maipatupad ang desisyon na ito ni Pangulong Duterte para sa kapakanan ng mga sundalo, pulis, bumbero at iba pa.

Ayaw ko nang makipagsagutan kay Gen. Parlade dahil nirerespeto ko siya. Sa katunayan, isa rin ako sa nagrekomenda na maging Undersecretary siya. Alam naman nila ang katotohanan. Mainit na ang pulitika. Pero hayaan natin ang taumbayan ang humusga.

Katulad nga ng sinasabi ko, mas kailangan nating tutukan ang pagtulong sa kapwa natin Pilipino habang tayo ay unti-unting bumabangon mula sa krisis na ito.

Basta ako, uunahin ko palagi ang makakabuti sa gobyerno at sa bayan. Serbisyo lang ako at ipaglalaban ko palagi ang interes at kabutihan ng bawat Pilipino. – rir

Popular

TD Bising intensifies; Wind Signal No. 1 up in extreme Northern Luzon

By Brian Campued Tropical Depression Bising slightly intensified over the sea west of extreme Northern Luzon, the state weather bureau said Friday. In its 11:00 a.m....

WALANG PASOK: Class suspensions for July 4 due to heavy rains

Classes in the following areas have been suspended on Friday, July 4, due to the impact of the southwest monsoon (habagat) and the...

PBBM to study DILG Sec. Remulla’s request to declare class suspensions

By Brian Campued Malacañang on Thursday assured Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla that President Ferdinand R. Marcos Jr. will...

WALANG PASOK: Class suspensions for July 3 due to inclement weather

Classes in the following areas have been suspended on Thursday, July 3, due to the impact of the southwest monsoon (habagat) and the...