Sen. Go manifestation on passage of the Department of Migrant Workers

Mr. President, I just want to congratulate and thank the hardworking sponsor, Senator Joel Villanueva for pushing for the passage of this measure. Talagang pursigido po ang ating sponsor na mabigyan ng sariling departamento ang ating OFWs. Alam ko po ang pinagdaanan ng ating sponsor mula sa pakikipag-usap sa iba’t ibang ahensya at OFW groups hanggang sa pag reconcile ng iba’t ibang versions ng mga bills. 

Ako naman po’y basta maipasa lang po at mairegalo natin sa kanila —  sa ating mga OFWs, sa mga migrant workers — ngayong pasko itong bill na ito.

I also want to thank all of our colleagues for their support to this measure. Maraming salamat din po sa ating Minority Leader Senator Franklin Drilon sa tulong at masusing pagsuri para ma-improve ang panukalang ito. Pare-parehas po ang ating layunin na mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang ating mga OFWs.

Ito pong Department of Migrant Workers ay priority namin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Malapit po sa puso namin ng Pangulo ang ating OFWs. In fact, just recently, President Duterte issued Executive Order No. 154 to ensure the establishment and operations of an OFW hospital in San Fernando City, Pampanga. 

Mr. President, alam po natin ang sitwasyon na pinagdaanan ng ating OFWs. Hindi po nababayaran ang lungkot, lalung-lalo na po kung napapalayo sa mga mahal sa buhay para lang may pangtustos sa gastusin ng pamilya at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga anak. Sa katunayan, marami sa ating OFWs ang nawalan ng mga trabaho dulot ng pandemya. Umuwi po sila dito sa ating bansa, nawalan ng trabaho at nahirapan po sila. 

Problema nila kung paano mapapakain ang kanilang  pamilya. Noong mga nakaraang buwan at taon, maraming mga OFWs ang dumulog sa ating opisina para humingi ng tulong. Merong nakakulong dahil napagbintangang pumatay, merong inaabuso ng kanilang mga amo. Sana, sa pagkatatag ng departamentong ito, makabalik sila sa normal na pamumuhay.

Mr. President, matagal na nating itinuturing na modern day heroes ang ating mga OFWs dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa ating ekonomiya at komunidad. 

Kaya talagang malaking accomplishment ito dahil binibigyan natin ng tamang pagkilala ang mga bagong bayani sa panahong ito. Suklian natin ang kanilang sakripisyo ng isang mas maayos at mabilis na serbisyo. 

This bill is not just part of the legacy of the Duterte administration but also of this Congress. 

Lastly and most importantly, Mr. President, congratulations po sa ating OFWs. Matagal nilang ipinaglaban ang departamentong ito at ngayon ay maisasakatuparan na po. Para po ito sa inyo. Dedicated department ready to provide services to you. Tapos na po ang panahon na pagpapasa-pasahan pa kayo ng iba’t ibang ahensya. Hindi niyo na kailangang maghanap kung saang departamento kayo (dapat) pumunta at manawagan sa Facebook, sa radio at sa telebisyon. Itong panukalang batas na ito ang isa sa mga pinakamahalagang hakbang para masiguro na matututukan ng gobyerno ang kapakanan ninyo.  Pagpapahalaga po ito sa inyong kontribusyon sa bayan. Maraming salamat po sa inyo.

Again, Mr. President, as one of the authors of this measure, I express my profound gratitude to our colleagues. Maganda po itong regalong ito para sa ating mga OFWs ngayong pasko. 

Thank you, Mr. President. 

 

-rir

Popular

PBBM turns over millions worth of agri support to MisOr farmers

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday turned over various agricultural support projects to farmers in Misamis...

Balingoan Port expansion to boost regional tourism, trade — PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday highlighted the importance of upgrading the Balingoan Port in the growth of Northern Mindanao, noting...

PBBM renews call for stronger mechanisms, regulation against fake news

By Dean Aubrey Caratiquet In cognition of rapid advancements in digital technology, President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the Department of Information and Communications Technology...

PBBM declares April 22 as nat’l day of mourning for ‘Superstar’ Nora Aunor

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has declared Tuesday as a “Day of National Mourning” over the passing of National Artist for Film...