I welcome and laud President Rodrigo Duterte’s decision to allow private entities to import COVID-19 vaccines “at will”, particularly for their workers, subject to existing laws and regulations. This is pursuant to our whole-of-nation approach to defeat the pandemic by enjoining everyone to contribute in our collective efforts.
Isa ako sa pangunahing nagmungkahi nito sa Pangulo at kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. noong nakaraang mga araw para mapabilis ang ating vaccine rollout. Magtulungan po tayo dahil ang laban kontra COVID-19 ay laban ng buong sambayanang Pilipino at hindi ng gobyerno lamang.
Karamihan sa private sector ay may sariling direct contacts sa mga vaccine providers. Mabibigyan natin sila ng sapat na oportunidad na makatulong kung pabibilisin natin ang proseso at aalalayan natin sila sa pag-comply sa mga requirements. Huwag pong pahirapan para hindi matagalan ang pagbili ng bakuna para sa mga kababayan natin.
Kapag nabakunahan agad ang mga empleyado sa pribadong sektor, mas mabilis na sisigla muli ang ating ekonomiya, ligtas na makakapagtrabaho ang ating mga manggagawa, at muling aangat ang kabuhayan ng kanilang pamilya. Makakatulong ito upang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap at nagugutom.
Bilang chair ng Senate Committee on Health, taus-puso ang aking pasasalamat sa ating pribadong sektor sa kanilang walang tigil na kooperasyon at kontribusyon sa kampanya natin kontra sa pandemya. Patunay ito na buhay na buhay ang bayanihan natin sa gitna ng krisis.
Magtiwala tayo sa gobyerno at suportahan natin ang ating National Vaccine Roadmap. Paigtingin natin ang diwa ng bayanihan para mas mabilis natin mabakunahan ang ating mga kababayan. Ito ang tanging susi at solusyon upang makabalik tayo sa normal na pamumuhay.