Sen. Imee kay Digong: Kadiwa store buhayin na

PR

Nananawagan ngayon si Senador Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na muling buhayin ang Kadiwa store sa Kamaynilaan para matugunan ang problema sa mataas na presyo ng mga bilihin na kinakaharap ng mga maliliit na mamimili at mabawasan ang antas ng mahihirap.

Ayon sa senadora, “Kahit mura ang bigas at sinasabing mababa ang inflation, mahal pa rin ang ibang bilihin lalo na ang asukal, karne at iba pa. Malaking dagok ito sa mahihirap dahil halos 60% ng gastos nila napupunta sa pagkain.”

Dahil isa ang presyo ng mga bilihin sa pangunahing concern ng mamamayan, naniniwala si Imee na bibigyang diin ng Pangulo ang pagresolba sa isyung ito sa kanyang State of the Nation Address ngayong Lunes ng hapon.

“Isa ang Kadiwa sa nakikita nating solusyon para matulungan ang maliliit nating mga kababayan. Sobrang mahal ng mga bilihin at malaking tulong kung bubuhayin muli ng Pangulo ang Kadiwa at ipakalat ito sa mga komunidad, partikular na sa mga depressed areas,” ayon kay Imee.

Binigyang diin din ni Imee ang pag-angkat ng pamahalaan nang direkta sa mga pabrika o manufacturer pati na ang pagbili ng gulay sa mga magsasaka, isda sa mga mangingisda, at maging sa mga hog at poultry raiser.

Ayon sa senador, kailangang gawin ito sa sandaling tuluyang maging operational ang pagpapakalat ng Kadiwa store para hindi maabuso ng mga tiwaling traders o middleman ang mga pangunahing bilihin na ititinda sa Kadiwa.

“Kailangang umpisahan na kaagad ang Kadiwa store sa Metro Manila at sa mga susunod na araw ay sa buong Pilipinas na ito gawin. Siguruhin ding merong mabibiling NFA rice ang ating mga kababayan sa ipakakalat na Kadiwa,” pahayag pa ni Imee.

Idinagdag pa ni Imee na hindi lamang murang manok, isda, baboy, gulay at bigas ang dapat na mabibili sa Kadiwa kundi pati ang noodles na kalimitan ay pagkain sa hapag-kainan ng mga mahihirap na Pilipino.

Nakatakdang maghain ng resolusyon si Imee sa susunod na araw na nagrerekomenda sa Pangulo na muling pagpapakalat ng Kadiwa store.

Ang konsepto ng Kadiwa ay unang ginamit sa panahon ng administrasyong Marcos, isang paraan para matugunan ang problema sa mataas na presyo ng pangunahing bilihin.

Popular

House begins deliberations on proposed P6.793-T nat’l budget for 2026

By Brian Campued “Bawat piso ay may pinaglalaanan, at bawat gastusin ay dapat may pakinabang sa tao.” The House of Representatives would ensure that every peso...

PBBM to Herbosa: Ensure implementation of ‘zero balance billing’ in all DOH hospitals

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos instructed Department of Health (DOH) Sec. Teodoro Herbosa to ensure that all DOH hospitals are well-versed in implementing...

PBBM lauds solar pump irrigation project in Eastern Visayas

By Dean Aubrey Caratiquet Consistent with his mandate of incorporating renewable energy with the government’s resolve to modernize agriculture infrastructure, President Ferdinand R. Marcos Jr....

KWF working to save 40 dying native languages in PH

By Brian Campued Language is not just a system of communication used by a particular community and conveyed by speech, writing, or gestures—it reflects the...