Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.: MGCQ sa buong bansa, napapanahon na

Sa susuond na buwan ay mag-iisang taon na ang pagpapatupad ng Community Quarantine sa buong bansa.

Nag-iba-iba man ang uri nito, iisa ang naging bunga nito – ang kawalan ng trabaho para sa karamihan at ang kaakibat nitong pagbagal ng ekonomiya.

Ngayong araw (Feb 19, 2021), inanunsyo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon nito na ilagay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa pagpasok ng buwan ng Marso. Matatandaang liban sa anim na lugar, ang nalalabing mga bahagi ng bansa ay isinailalim na sa MGCQ umpisa ng Pebrero. Ang mga natitirang lugar na kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ) ay ang:

• Cordillera Administrative Region;
• Metro Manila;
• Batangas;
• Tacloban City;
• Davao City;
• Davao del Norte;
• Lanao del Sur; at
• Iligan City.

Ang rekomendasyon na ilagay sa MGCQ ang buong bansa ay nabuo matapos itulak ng mga alkalde ng Metro Manila na itulad na ang NCR sa kabuuan ng Pilipinas.

Inaasahan namang aprubahan ni Presidente Duterte ang rekomendasyon sa susunod na linggo.

Kaisa ako ng IATF at sa magiging desisyon ng Pangulo. Mukhang napapanahon na talaga ito, lalo na’t kung tutuusin, lahat ng mga dapat na pag-iingat ay naituro na sa bawat isa. Nasa kamay na ng bawat pilipino ngayon na maging reponsable at gawin ang kani-kaniyang ambag upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19 habang binubuksan natin ang ekonomiya, industriya, transportasyon, at mga hanapbuhay.

Hindi ibig sabihin na sa pagsailalim ng buing bansa sa mas maluwag na MGCQ ay tapos na ang pandemya. Ginagawa lamang ito bilang pagkilala sa katotohanan na kailangan nang unti-unti tayong bumalik sa normal. Sadyang kailangan nang magtrabaho ng ating mga kababayan, at kailangan nang gumulong muli ng ekonomiya.

Habang naghihintay tayo sa roll-out ng bakuna na uumpisahan na rin sa Marso, maigi na masanay na ang lahat sa new normal kung saan magkaakibat ang pag-iingat at ang mas maluwag na paggalaw.

(From Sen. Bong Revilla)

Popular

‘Hindi lamang pang-eleksiyon’: 32 Kadiwa outlets to sell P20/kg rice starting May 15 — Palace

By Brian Campued As directed by President Ferdinand R. Marcos Jr., at least 32 KADIWA outlets across Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, and Oriental...

PBBM expresses “satisfaction” with poll results, remains “confident” in high public trust

By Dean Aubrey Caratiquet In an exchange with members of the media at a press briefing this Wednesday, May 14, Palace Press Officer and Presidential...

Palace lauds amended education requirements for first-level gov’t positions

By Dean Aubrey Caratiquet At the Malacañang press briefing this Wednesday, May 14, Palace Press Officer and Presidential Communications Office Usec. Claire Castro lauded the...

D.A. expands P20 rice program in NCR, nearby provinces after 10-day election spending ban

By Brian Campued In fulfillment of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s aspiration of making affordable rice accessible to more Filipinos across the country, the Department...