SSS pensioners makakatanggap ng maagang pensyon simula Marso 23

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na simula Marso 23, 2020 ay maagang natanggap ng mga pensyonado ang kanilang pensyon para sa buwan ng Abril 2020.

“Nakikiisa kami sa mandato ng gobyerno na bigyang ayuda ang ating mga mamamayan lalo na ang ating mga pensyonado. Isa rito ang maagang pagbibigay ng kanilang pensyon upang mabigyang tulong pang-pinansyal sila sa kanilang mga pangangailangan. Makatutulong ito sa ating mga pensioners sa gitna ng kasalukuyang krisis na kinakaharap ng ating bansa bunsod ng coronavirus disease 2019 (CoVID-19),” ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.

Humiling na rin ang SSS sa mga partner-banks nito na payagan ang maagang pagbibigay ng pensyon sa buwan ng Abril 2020 na mas una sa regular na iskedyul.

“Pinapangalagaan namin ang kapakanan at kaligtasan ng ating mga pensyonado higit lalo sila na mas malapit sa mga sakit at karamdaman, kabilang na ang mga naninirahan sa ilalim ng enhanced community quarantine,” paliwanag ni Ignacio.

Naiulat ng SSS na nagsimula na ang pagbibigay ng maagang pensyon ng Dumaguete City Development Bank noong Marso 23. Ibibigay naman ngayong araw, Abril 1, ang mga pensyon mula sa First Consolidated Bank, Cooperative Bank of Quezon Province, BDO, CTBC Bank, at Country Builders Bank. Samantala, sa Abril 3 naman magbibigay ang Money Mall Rural Bank at Bank of Commerce. “Maliban sa mga nasabing bangko, may mga hinihintay pa kaming sagot mula sa iba pa naming partner-banks para sa maagang pagbibigay ng kanilang pensyon sa buwang ito,” dagdag pa ni Ignacio.

Nakapaglabas na ang SSS ng kabuuang P11.9 bilyon sa mga partner-banks nito para sa pensyon ngayong Abril 2020 na mapakikinabangan naman ng higit 2.7 milyon na pensyonado.

Pinapaalala rin ng SSS sa mga pensyonado na sa mga susunod na buwan, ibabalik na sa dating iskedyul ang pagbibigay ng kanilang mga buwanang pensyon batay sa kanilang contingency date o araw ng kanilang kapanganakan.

Popular

DSWD completes 2nd wave of relief aid in quake-hit Cebu

By Brian Campued The Department of Social Welfare and Development (DSWD) has completed its second wave of food aid in Cebu as residents continue to...

What is a doublet earthquake?

By Brian Campued On Friday morning, at 9:43 a.m., a magnitude 7.4 earthquake struck Manay, Davao Oriental—about nine hours later, at 7:12 p.m., another temblor...

‘Destructive’ tsunami expected following another DavOr quake

By Brian Campued The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) on Friday night warned of possible tsunami following another strong earthquake, which jolted the...

Gov’t relief, emergency response underway after Davao quake

By Brian Campued Upon the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr., various government agencies have immediately mobilized to provide assistance to the areas affected...