Statement from Malacañang Press Corps on addressing PBBM health-related matters

Photo courtesy: MPC

Mariing pinapalagan ng Malacañang Press Corps (MPC) ang alegasyong kami ay nagpapagamit sa Malacañang o di kaya’y nabayaran para pagtakpan ang totoong estado ng kalusugan ng Pangulo.

Batid namin na ang kalusugan ng Pangulo ay mahalagang aspekto ng ating pambansang seguridad.

Malinaw sa mga nakaraang ulat at mga video ng mga press briefing kung paanong inusisa ng aming mga kasapi ang mga opisyal ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng Pangulo. 

Naninindigan ang MPC sa katotohanan ng mga ulat na inilabas ng aming mga kasapi nitong nakaraang linggo. Kinokondena rin namin ang garapal na mga pagtatangkang sirain ang kredibilidad ng mga mamamahayag at iligaw ang ating mga kababayan para isulong ang interes ng iilan.

Ang mga balitang inilabas namin ay may malinaw na basehan—mga report na nakalap sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga taong may kinalaman sa isyu, o di kaya’y amin mismong nasaksihan. Amin ding bineberipika ang anumang impormasyong aming nakakalap para masigurong ito ay tama at totoo bago namin ibahagi sa publiko.

Hindi ito ginagawa ng mga content creator na ang tanging puhunan ay ang kanilang social media account, malikot na imahinasyon, at kuwestiyonableng agenda.

Madaling magbintang. Madaling gumawa ng mga kwento. Madaling magkalat ng mga walang basehang tsismis. Hindi ito gawain ng mga responsableng mamamahayag. 

Nakalulungkot isiping may mga naniniwala pa rin sa mga manlolokong lumalason sa isip ng ating mga kababayan, na aming pinagsisilbihan sa abot ng aming makakaya.

Hinihimok namin ang lahat na maging mapanuri sa gitna ng batuhan ng mga alegasyon sa social media at kilatisin ang mga pinanggagalingan ng impormasyon.

Sa kabila ng mga paninira, patuloy kaming magtatanong, patuloy kaming magmamasid at patuloy mag-uulat ng patas tungkol sa mga hakbang at polisiya ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Marami mang pumipili sa mga kasinungalingang nais nilang paniwalaan, patuloy kaming papanig sa katotohanan at titindig para sa interes ng bayan, kahit sino pa ang maupo sa Malacañang.

Popular

Gov’t agencies ‘all hands’ in Mindanao quake response —OCD

By Brian Campued In line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr., concerned government agencies continue to deliver humanitarian assistance and disaster response...

PBBM to welcome Germany President for PH state visit, lead ASEAN-Russia Summit next week

By Brian Campued It will be a busy week ahead for President Ferdinand R. Marcos Jr. as he is set to receive a high-ranking German...

PBBM hails timely completion of 2 new school buildings in QC

By Dean Aubrey Caratiquet “I am very, very happy to see that the students are already using it.” After a major fire gutted an old building...

DEPDev pushes for stronger gov’t-industry tie-ups to boost labor market resilience

By Brian Campued The Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) on Tuesday called for stronger collaboration between government and industry to equip workers with...