Statement of Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano on Community Pantry

Nagpapasalamat po tayo sa mga may mabubuting kalooban na nagtatayo ng mga community pantry sa ating lungsod dahil sa hangarin nilang makatulong sa ating mga kapos-palad na mga kababayan.

Ang ginagawa po nila ay pagpapakita na buhay na buhay pa rin sa ating mga Pilipino ang diwa ng Bayanihan.

Ang Bayanihan at pagtulong sa kapwa ay isa sa mga mabubuting ugali na likas sa ating mga Pilipino kaya nakakatuwa na muli natin itong binubuhay sa panahong ito sa pamamagitan ng mga community pantry, upang sama-sama natin labanan at talunin ang pandemya.

Pakiusap ko lamang po na gawin natin ito na may kaayusan kaya dapat ay makipag-ugnayan muna ang mga organizer sa mga barangay kung saan nila ito itatayo.

Maliban sa may kaayusan dapat ay sundin pa rin ang ipinatutupad na basic health protocols kung kaya mahalaga ang koordinasyon sa barangay para matulungan sila na mapanatili ang kaayusan sa pila.

At siempre po paulit-ulit ko pa ring sasabihin sa ating mga mamamayan na gawin ang kaukulang pag-iingat at huwag kalimutan ang ating EMI Habit o Ensure to wash your hands, Must wear mask and face shield, and Implement Physical Distancing.

Sa mga organizer po ay maaari rin kayong magtakda ng oras sa umaga at hapon upang malaman ng mga tao kung anong oras sila pupunta.

Sa huli ay maraming salamat po sa inyong mabuting hangarin na makatulong sa panahon ng kagipitan.

Pagpalain po tayo ng Panginoong Diyos!

Popular

PBBM decries ‘gangster attitude’ over road rage incidents

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday denounced what he described as a growing culture of aggression...

Palace hails PH humanitarian team for Myanmar quake response

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang commended members of the Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) who returned Sunday evening from a mission...

AFP welcomes ‘West PH Sea’ inclusion on Google Maps

By Brian Campued The inclusion of the West Philippine Sea (WPS) on Google Maps further asserts the country’s internationally recognized sovereign rights over its maritime...

PDEA: Gov’t operatives seize P6.9-B illegal drugs in Q1 2025

By Christopher Lloyd Caliwan | Philippine News Agency The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) said Friday law enforcers confiscated P6.9 billion worth of illegal drugs...