Statement of Sen. Bong Go on Community Pantry Initiatives

Bawat isa sa atin ay may ginagampanang papel sa laban kontra COVID-19. Bagama’t ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mapagaan ang hirap na pinapasan ng ating mga kababayan, tandaan din natin na hindi ito laban ng gobyerno lamang. Laban ito ng buong sambayanang Pilipino at ng buong mundo.

Kaya ang mga inisyatibo, tulad ng community pantry, ay patunay na nananatiling buhay ang diwa ng bayanihan sa kabila ng sunud-sunod na mga pagsubok na dumadating sa bansa. Tama lang na magbigay ng tulong, ayon sa kakayanan, ‘yung mga may sobra. Kaysa masayang o mag-expire, mabuti nang mapakinabangan ito ng mga mas nangangailangan.

Walang kulay, walang pinipili, at walang pulitika dapat ang pagtulong. Welcome po lahat ‘yan. Kahit anumang kulay — pula, puti, dilaw, asul — lahat ‘yan ay may parte sa bayanihan. Huwag nating haluan ng kulay ang mga inisyatibo ng iilan na nais tumulong sa kapwa nilang Pilipino. Iisa lang naman ang hangarin nating lahat at iyan ay ang maiahon ang buong bansa mula sa krisis na ito.

Tulad ng palagi kong sinasabi, kung anumang kabutihan ang pwede nating gawin para sa kapwa ay gawin na natin ngayon. Hindi po ito panahon para magsisihan, magsiraan, o maglamangan pa. Panahon po ito ng pagtutulungan, pagmamalasakit, at pakikiisa sa bayanihan.

Let us continue to promote a culture of inclusivity and empower our people to participate in our collective efforts to overcome this crisis. Ang importante dito ay huwag nating pahirapan ‘yung mga nais tumulong dahil pare-pareho naman tayong gusto lang ay makapagserbisyo sa ating kapwa Pilipino.

Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo rin lang mga kapwa Pilipino?

(PR)

Popular

Palace won’t interfere with HOR Dolomite Beach probe, warns against politicking

By Dean Aubrey Caratiquet Citing an upcoming probe on Manila Bay’s Dolomite Beach to be held by the House of Representatives on November 17, the...

PBBM orders early release of 2025 year-end bonus, cash gift for gov’t workers

By Brian Campued Government workers are set to receive their 2025 year-end bonus that is equivalent to one month's basic salary as well as a...

PBBM ‘hard at work’ to alleviate poverty, uplift PH economy

By Dean Aubrey Caratiquet Malacañang assured the masses that the government is doing everything in its power to uplift Filipinos’ lives, by stemming poverty at...

PBBM hopes for peaceful Bonifacio Day protests

By Dean Aubrey Caratiquet  Acknowledging the citizenry’s outrage over the flood control mess and anticipating mass demonstrations on November 30, President Ferdinand R. Marcos Jr....