Statement of Sen. Francis Pangilinan, principal author and principal sponsor, on the passage of the Sagip Saka Act

PR/via Pauline Requesto – PTV News

Ang pagsasabatas ng Sagip Saka ay tagumpay ng mga magsasaka at mangingisda, ang mahigit 10 milyong Pilipinong nagpapakain sa atin.

Ngayon, higit kailanman, napaka-kritikal nitong batas na ito dahil ginugutom ang ating mga magsasaka ng sobrang pag-angkat ng bigas at ng mababang presyo ng kopra sa pandaigdigang merkado; ganun din ang ating mga mangingisda na pinipigilan ng mga Tsino na mamalakaya sa ating karagatan.

Kasama ng mga magsasaka at mangingisda, na bagamat nagpapakain sa atin ay madalas gutom dahil kumikita lang ng PhP280.37 kada araw, ang susunod na hakbang ay di lang magmasid, kundi makilahok, sa pagsasatupad nito.

Ano ang nais gawin ng Sagip Saka? Siguruhin na bibili ang gobyerno ng mga produkto ng ating mga magsasaka at mangingisda sa iba’t-ibang programa nito. Kaya halimbawa, ang mga government feeding program sa ilalim ng nutrition at health programs ay dapat nang bumili ng bigas, gulay, prutas, manok, at kung anu-ano pang mga produktong agrikultural diretso na sa mga magsasaka at mangingisda. Bale, inaalis na ang mga middlemen na siyang kumikita nang malaki mula sa pagod at hirap nila.

The Sagip Saka Act exempts both national government agencies and local governments from the Procurement Law when it purchases agricultural products directly from accredited farmers coops and organizations. It also exempts donors from paying donors taxes when making donations such as capital outlay for farm equipment, post-harvest facilities, and agriculture infrastructure, among others, to accredited farmers organizations.

Ang diwa ng batas na ito ay ang magkaroon ng kapangyarihan ang mga pinakamahirap na sektor ng ating lipunan para magkaroon ng maayos at maginhawang buhay para sa kanila, sa kanilang mga anak, at sa kinabukasan nating lahat.

Dapat masiguro na ang nagtanim, nagbayo, at ang nagluto ay siyang kakain.

Mabuhay ang magsasaka’t mangingisdang Pilipino! Mabuhay ang nagpapakain sa sambayanang Pilipino!

**

*According to Philippine Statistics Authority (PSA) report in 2015, farmers and fishermen belonging to families with income below the official poverty threshold or poor families posted the highest poverty incidences at 34.3% and 34.0%. In 2017, the country’s agricultural workers were paid an average nominal wage rate of PhP 280.37 per day. According to Selected Stats on Agriculture (2017), 10.26 million persons or 25.44 percent of national employment are farmers and fishermen.

Popular

Palace slams Imee’s ‘baseless’ claims; PBBM unfazed by destabilizers, obstructionists

By Dean Aubrey Caratiquet “Hindi mabigat ang alegasyon ni Senator Imee—walang basehan. Kuwentong walang kuwenta, kuwentong kutsero.” President Ferdinand R. Marcos Jr. remains unbothered by political...

PH economy remains resilient amid various domestic issues

By Dean Aubrey Caratiquet Malacañang announced on Tuesday that the country’s economy remains strong in the face of various issues that plague the administration of...

PBBM appoints new DOJ chief

By Dean Aubrey Caratiquet A month after appointing former Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla as the new Ombudsman, President Ferdinand R. Marcos...

PBBM visits Tino-hit Negros Occidental

By Brian Campued As part of the administration’s commitment to supporting the recovery of communities devastated by recent calamities, President Ferdinand R. Marcos Jr. visited...