Statement of Senator Bong Go on PRRD’s stand on the WPS issue

As the chief architect of our foreign policy, President Duterte will always uphold and advance the interests and welfare of our country and of our people. He has been firm with his stand that he will fight until the end for what is truly ours.

Kaya nga ‘out of passion’, nabanggit niya noong kampanya na sasakay siya sa jet ski at itatanim ang bandila ng Pilipinas doon. Hindi nagbago ang kanyang paninindigan at pakikipaglaban sa isyu na ito.

Wala siyang ibibigay, hindi niya bibitawan, at ipaglalaban niya kung ano ang atin hanggang sa huli. That is why he ordered our vessels not to leave the West Philippine Sea and stand for our right to be there, especially those areas under our Exclusive Economic Zone.

Sa matagal kong pagkakilala sa kaniya, alam kong lagi niyang binabalanse ang lahat at palaging interes ng bawat Pilipino ang nasa isipan niya lalong-lalo na ngayon na may pandemya tayong hinaharap. Iyan ang pinanggagalingan niya sa kaniyang sinabi sa taumbayan kagabi.

Hindi makakabuti sa sinuman, lalo na sa atin, na makipag-gyera sa gitna ng isang pandemya. I am sure that no country would want that as well. But that does not mean that we are giving any inch of our territory to anyone. Kaya nga ang gusto ni Pangulong Duterte ay maresolba ang anumang isyu hinggil sa West Philippine Sea sa mapayapa at diplomatikong paraan.

Klaro po sa atin na ang West Philippine Sea ay atin. May pinanghahawakan tayong papel ukol diyan. Pero ang realidad ay hindi rin naman titigil ang China o pati rin ang ibang involved na bansa sa kanilang paniniwala na kanila iyon. They will fight for their claim, and we will fight for ours.

Kahit wala na tayo sa mundong ito, hindi ito matatapos kung hindi natin idadaan sa masinsinan at diplomatikong pag-uusap. Ang batas ay nasa hanay ng tama. And the law is also right that the resolution should always be through peaceful settlement.

Kaya ang prayoridad ni Pangulong Duterte ngayon ay kung ano ba talaga ang mas makakabuti sa Pilipino para mapakinabangan natin kung ano ang atin. Sang-ayon ako sa sinabi niya na isulong ang dapat isulong, ipaglaban ang dapat ipaglaban. Isantabi muna ang dapat isantabi habang may pandemya pang hinaharap ang buong mundo.

Sa mga kritiko diyan lalo na ‘yung mga nakaupo nung nakaraang administrasyon, magpakatotoo po tayo. Huwag puro bunganga pinapairal. Huwag kayong manisi diyan dahil inaayos nga ni Pangulong Duterte ang hindi ninyo naayos noon.

Walang nawala sa panahon natin pero sa panahon nila, maraming nawala! Panahon pa nila ay naglagay na ng structures ang China. Dapat noon palang nung nasa posisyon sila ay inayos na nila ito sa tamang paraan.

At kung gusto nilang labanan ang China, dapat nilabanan na nila noon. Pinagpipilitan nila ‘yung papel na nagsasabing hindi sa China ang teritoryong iyan pero in the real world, iba naman ang nangyayari dahil hindi aatras ang mga ‘yan at hindi nila ino-honor ‘yang papel na pinanghahawakan natin.

That is why as a Senator, I stand with the President in our belief that it is in the interest of the Filipinos that our government asserts its rights over the West Philippine Sea through diplomatic means, consistent with international law and relevant treaty obligations, including the UNCLOS.

 

Popular

PBBM pushes for PH trade pact with India

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said the government is “ready to act” and will work closely with its Indian business...

PBBM addresses criticisms, assures sufficient funds for gov’t agendas in his podcast

By Dean Aubrey Caratiquet In episode 2, part 3 of the BBM Podcast, which aired on Wednesday, President Ferdinand R. Marcos Jr. refuted criticisms levied...

PH, India eye deeper health collaboration

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday met with Bharatiya Janata Party (BJP) Chair and Indian Health...

PM Modi: PH, India ‘partners by destiny’; defense ties natural, necessary

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Indian Prime Minister Narendra Modi on Tuesday reaffirmed India’s solidarity with the Philippines in upholding peace and...