Super Swerte naka resbak kay Boss Emong sa 2021 PHILRACOM – PCSO Silver Cup

CARMONA, Cavite – Naka rebanse si Super Swerte kay Boss Emong matapos angkinin ang panalo sa 2021 PHILRACOM – PCSO Silver Cup na nilarga noong Linggo (Nob.7) dito sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Dumiskarte si jockey AR Villegas at hinayaan nitong mauna si Union Bell sa largahan at ipinuwesto ang anak nina Art Moderne at Faster Tapper na si Super Swerte sa tersero upang mabantayan ang mahigpit na karibal na si Boss Emong na nasa pangalawang puwesto.

Papasok ng far turn ay kumuha ng unahan si Boss Emong pero sinundan agad siya ni Super Swerte kaya naman nagkapanabayan ang dalawa sa huling kurbada.

Bakbakan sa rektahan, inakala ng mga karerista na makukuha ni Boss Emong ang panalo dahil nakalamang ito ng dalawang kabayo. Pero lumabas ang tikas ni Super Swerte at tinawid nito ang meta ng may kalahating kabayo ang agwat.

Nirehistro ni Super Swete ang impresibong 1:50. 6 minuto sa 1,750 meter race, sapat upang hamigin ni Mayor Sandy Javier, may ari ng Super Swerte, ang tumataginting na P2.4-M sa event na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office at ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

“Napakaganda ng naging labanan sa panig nina Super Swerte at Boss Emong at talagang kapana-panabik hanggang sa huli,” sabi ni chairman De Leon.

Hinamig ni Boss Emong ang second place prize na P800,000 habang tig P400,000 at P200,000 sina Union Bell at Greatwall na dumating na tersero at pang-apat ayon sa pagkakasunod.

Napunta ang P120,000 at P80,000 sa fifth at sixth na sina Princess Eowyn at Pangalusian Island.

Natalo si Super Swerte kay Boss Emong sa Chairman’s Cup nang magharap sila noong Hunyo. (PR) – bny

Popular

Palace open to SALN transparency, says executive ready to comply

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Monday expressed support for lifting restrictions on public access to Statements of Assets, Liabilities and...

Palace orders implementation of 10-year plan to boost PH creative industries

By Dean Aubrey Caratiquet As part of the government’s progressive efforts towards growing the country’s creative industries, Malacañang ordered the widespread adoption of the Philippine...

Palace slams Paolo Duterte remarks on ICC’s denial of FPRRD’s request for interim release

By Dean Aubrey Caratiquet The Palace has reiterated that the Marcos Jr. administration has no involvement in the International Criminal Court (ICC) case of former...

PBBM personally visits DavOr to assess quake damages, lead relief efforts

By Dean Aubrey Caratiquet On the heels of an earlier directive to ensure ‘round the clock’ efforts in the wake of the “doublet earthquake” that...