Task Force Yolanda, NHA, ipinamahagi ang 1,354 housing units sa Capiz – Nograles

Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang online turnover ng mga libreng housing units sa mga benepisyaryo sa Pilar, Capiz noong Disyembre 1, 2020 sa pakikipagtulungan ng Task Force Yolanda, National Housing Authority at mga pinuno ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Project para sa Region 6.

Pinamumunuan ni Nograles ang Inter-Agency Task Force for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects and Programs in Yolanda-affected Areas.

Ang 18th virtual turnover ng mga yunit ng pabahay ay isinagawa sa mga sumusunod na lugar: Morcita Ville Phase 1 (988 units) at Morcita Ville Phase 2 (366 units).

“Tayo’y nagpapasalamat sa LGU officials at mga empleyado ng Pilar sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Arnold Perez, Vice Mayor Doujie Jack Cantiller, Sangguniang Bayan Members at mga municipal officials and staff dahil sa kanilang ipinakitang malasakit sa proyektong ito at doble kayod na pagtatrabaho para sa kapakanan ng beneficiaries, ” pahayag ng opisyal ng Malacañang.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Nograles sa regional office ng NHA, na sinabi nitong “labis kaming nagpapasalamat sa leadership ni General Manager Marcelino Escalada, Regional Manager Engr. Antonio Del Rosario at District Manager Dominica San Diego na kapwa nagbibigay ng direksyon na nagsilbing batayan ng ating mga local government leaders upang makumpleto ang proyektong ito.” Tinitiyak nilang lahat na mapoprotektahan sa pagkakataong ito ang mga mamamayan ng Capiz mula sa mga susunod na panalalasa ng mapaminsalang panahon, at kanilang ginagawa ito sa kabila ng kasalukuyang mga hamon na dulot ng pandemya.”

Ayon sa NHA, as of October 2020, sa nakaplanong 123,535 na housing units para sa Region 6, ang 89,491 units ay nakumpleto nang ipatayo, at ang natitirang 22,869 units ay sumasailalim pa sa konstruksyon.

Ang LGU officials na pinamumunuan ni Mayor Perez, para sa kanilang bahagi, ay naghayag ng kanilang labis na kagalakan para sa napapanahong tulong ng administrasyong Duterte.

“Pagpapatunay ito na ang Pangulo ay nagmamalasakit at nakikinig sa mga pagsusumamo ng tulong o karaingan ng mga mamamayan ng Capiz. Kami ay nagpapasalamat kay CabSec Karlo Nograles na nagawang pabilisin ang komunikasyon at koordinasyon sa lahat ng mga stakeholders,” pahayag ni Perez.

Nagtapos si Nograles sa pagsasabing “sa kabila ng pandemya, tatapusin namin ang lahat ng nakabinbing Yolanda-related constructions. Yun ang malinaw na direktiba ng Pangulo. Ang administrasyong Duterte ay kumikilos at nagbibigay ng kongkretong solusyon sa mga mamamayan ng Rehiyon 6, lalo na’t palaging binabagyo ang lugar na ito. Ipagpapatuloy namin ang aming trabaho hanggang sa matapos ang lahat ng Yolanda housing commitments.”

Popular

PBBM eyes more concrete measures to address effects of climate change

By Dean Aubrey Caratiquet As climate change makes its presence felt in various countries, especially the Philippines, President Ferdinand R. Marcos Jr. has shifted his...

PBBM to LGUs: Observe firm implementation of ‘no-build zones’ to address flooding woes

By Dean Aubrey Caratiquet As the enhanced southwest monsoon (habagat) continues to shed light on long-neglected matters, President Ferdinand R. Marcos Jr. made it clear...

PBBM vows stronger ties in meeting with Nigerian ambassador

By Dean Aubrey Caratiquet Expanding the scope of the Philippines’ international relations beyond its usual trading partners, President Ferdinand R. Marcos Jr. expressed his commitment...

PBBM to PCG flag officers: Uphold integrity in service of the Filipino people

By Dean Aubrey Caratiquet “Ang bawat paglalayag at bawat pagbabantay ay para sa sambayanang Pilipino.” This sentence best encapsulates the duty of Philippine Coast Guard (PCG)...