Unang linggo ng ‘Pista ng Pelikulang Pilipino’, naging matagumpay

 

Naging matagumpay ang paglulunsad ng 12 obra ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ‘Pista ng Pelikulang Pilipino’ ngayong taon.

Ito ay dahil na rin sa mainit na pagsuporta ng mga manunuod na patuloy ang dumadagsa sa mga lokal na sinehan sa bansa.

Noong Martes ang itinakdang huling araw ng naturang pista ngunit dahil na rin sa mainit na pagtangkilik ng mga Pilipino, ang pagpapalabas ng mga pelikula ay magtutuloy-tuloy hanggang sa katapusan ng Agosto.

Nilinaw naman ni FDCP Chairman Liza Diño-Seguerra na magpapatuloy na lamang ang 12 pelikula sa piling mga sinehan bansa.

Inilathala rin ng FDCP Chair ang tatlo sa mga pinakamatataas na kumita sa pista ngayong taon kung saan napabilang ang “100 Tula Para Kay Stella”, “Patay na si Hesus”, at “Bar Boys”.

Ang tatlong pangunahing obra ng FDCP ay patuloy mapapanuod sa takilya ngunit hindi na kabilang sa PPP.

Dagdag pa ni Seguerra, ang natitirang siyam maliban sa “Ang Manananggal Sa Unit 23B” ay mapapanuod na lamang sa mga piling Cine Lokal.

Samantala, nakalikom naman ng higit sa P127 milyon at naungusan ang target ng ahensya na P100 milyon.

Dahil sa pagpapalawig ng PPP, inaasahang tataas pa ang kita ng 12 pelikula sa P200 milyon. | (Tina Joyce Laceda – PTV)

Popular

PH, Australia to seal defense cooperation pact in 2026

By Priam Nepomuceno | Philippine News Agency The Philippines and Australia on Friday signed a statement of intent to pursue a Defense Cooperation Agreement that...

Iconic ‘70s ‘Love Bus’ returns in Metro Cebu, Davao City

By Brian Campued The nostalgia is strong in the air as the iconic “Love Bus” from the 1970s is finally revived and now plies the...

Gov’t ramps up interventions for Tropical Depression ‘Isang’

By Brian Campued The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) raised the blue alert status on Friday to monitor the possible effects of...

LPA east of Aurora now TD ‘Isang’; Signal No. 1 up in Northern, Central Luzon

By Brian Campued The low pressure area east of Aurora developed into Tropical Depression Isang and has already made landfall over Casiguran, Aurora on Friday...