Visayas at Mindanao, nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

Sampung rehiyon ang nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa na karamihan ay mula sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Head Director Alethea De Guzman, kabilang sa mga rehiyon na ito ang Zamboanga Peninsula, Western Visayas, MIMAROPA, Caraga, Northern Mindanao, Soccsksargen, Bicol Region, Davao Region, Eastern Visayas, at BARMM.

Nakitaan din ng positive growth rate sa mga nabanggit na lugar, habang may pagtaas sa Average Daily Attack Rate sa mga ito.

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Northern Mindanao, at BARMM dahil nasa high-risk pa rin ang intensive care unit (ICU) occupancy ng mga nabanggit na rehiyon.

Samantala, nakitaan ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at Central Luzon. 

Maging sa ‘plus areas,’ bumaba na rin ang average new cases sa dating mahigit 1,200 na ngayo’y 1,070 na kaso kada araw na lamang.

Ngunit saad ng DOH, layunin nitong tuluyang mapababa ang mga kaso sa mga nasabing lugar.

Nanawagan din ang DOH sa mga local government units (LGUs) na paikliin sa lima at kalahating araw magmula ng pagkakaroon ng sintomas ng isang pasyente ang paglipat nito sa isang quarantine facility. – Ulat ni Mark Fetalco / CF-rir

Popular

PBBM brings YAKAP Caravan for students, teachers in Aurora

By Brian Campued To safeguard the health and wellness of students, teachers, and non-teaching personnel by providing access to quality medical services, President Ferdinand R....

PBBM leads training, distributes financial assistance to 1-K tourism workers in Aurora

By Dean Aubrey Caratiquet After his earlier engagements at the Turismo Asenso Loan Program’s (TALP) ceremony in Pasay City and the appointment of new DPWH...

PBBM appoints new DPWH chief, acting DOTr Secretary

By Dean Aubrey Caratiquet On the heels of successive developments related to an ongoing investigation of ‘ghost’ and anomalous flood control projects, which recently culminated...

Palace slams attempt against NegOr contractor, vows to dismantle espionage networks

By Dean Aubrey Caratiquet Amid consecutive developments arising from President Ferdinand R. Marcos Jr.’s revelation of ‘ghost’ and anomalous flood control projects in his 4th...